Ate, ikaw naman.
At sa sandaling ako naman ang nangangailangan nang natatanging haplos ng pag-ibig, asan ang mga kamay na s’yang hahawak ng walang…
Ate, ikaw naman.

Photo from Pinterest.
At sa sandaling ako naman ang nangangailangan nang natatanging haplos ng pag-ibig, asan ang mga kamay na s’yang hahawak ng walang pagkainip?
Batid ko naman na mahirap hagkan ang ugaling sumasalamin sa mga bagay na ayaw mo sa iyong sarili ngunit kailangan ko rin nang iyong paglingap. Tinig mo pa rin ang tanging hanap-hanap sa tuwing tuluyan nang nagaagaw ang bukang liwayway.
Sa wari ko’y iyong hindi nababatid, na ang iyong panganay ay nangangalangan pa rin ng banayad na pagyakap sa gabing ang sakit ay walang kasing pait.
Sana’y iyo pa ring nararamdaman ang pighati sa aking puso sa tuwing ang ating mga mata ay pinagtatagpo. At iyong maalala kung paanong ang mga matang ito ang s’ya ring nag mulat sa iyong kaisipan na ang nakaraan ay hindi na muling maibabalik.
Sa kabila nang alingasngas ng damdamin, sa aking bawat pag-uwi, ngiti mo pa rin ang nagpapakalma sa hanging dala-dala. Sa iyo ko pa rin nais magsumbong sa mga pagkakataong ang galit sa mundo ay sumusumpong.
Dala-dala ang masalimuot na kahapon, nawa’y mapukaw ng iyong damdamin na ako pa rin ang batang una mong inindayog sa apoy ng pag-ibig na walang tulog.
메타데이터
- post_id
- 043d7e7276aa
- slug
- ate-ikaw-naman-043d7e7276aa
- url
- https://medium.com/@darkestres/ate-ikaw-naman-043d7e7276aa
- canonical_url
- https://medium.com/@darkestres/ate-ikaw-naman-043d7e7276aa
- author_url
- https://medium.com/@darkestres
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-06-27 18:20:27