← Back to list

BIR Audit, nagpatupad ng bagong sistema

nads · 2026-05-12 17:31 · 6 claps · 0.8 min read
#tax-reform #bureauofinternalrevenue #audit #inverted-pyramid
Open on Medium ↗

BIR Audit, nagpatupad ng bagong sistema

Ipinagpatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Miyerkules ang pagdinig sa umano’y pang-aabuso ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), na nakatuon sa mga bagong reporma na layong pigilan ang korapsyon sa repaso ng buwis.

Ang pagdinig ay bunga ng resolusyon na inihain ni Senador Erwin Tulfo, na naglalayong imbestigahan ang paggamit ng Letters of Authority (LOAs) at mission orders bilang paraan ng panlilinlang o panghihingi ng pera, imbes na lehitimong pagpapatupad ng batas.

Ipinakita ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza ang serye ng reporma, kabilang ang system-generated audit selection process na nagbabawas sa human intervention. Sa ilalim ng bagong sistema, ang mga taxpayer na sasailalim sa audit ay pinipili base sa risk-based criteria at pagkatapos ay i aapruba ng komisyoner.

Ani Mendoza, ipinakilala ang mga repormang ito dahil sa dami ng reklamo ng mga taxpayer tungkol sa ulit-ulit na audit, umano’y “suki” o favoritism practices, at pinalaking tax assessments.

Upang higit na mapataas ang transparency, inilunsad din ng BIR ang online LOA verifier, na nagbibigay-daan sa mga taxpayer na tiyakin ang lehitimasyon ng audit documents at maiwasan ang panlilinlang.

Gayunpaman, nagtanong ang ilang senador tungkol sa kung paano matitiyak na ang bagong sistema ay magiging epektibo at patas para sa lahat ng taxpayer.


메타데이터
post_id
07cda96d7f7b
slug
bir-audit-nagpatupad-ng-bagong-sistema-07cda96d7f7b
url
https://medium.com/@jmftgxnm/bir-audit-nagpatupad-ng-bagong-sistema-07cda96d7f7b
canonical_url
https://medium.com/@jmftgxnm/bir-audit-nagpatupad-ng-bagong-sistema-07cda96d7f7b
author_url
https://medium.com/@jmftgxnm
status
ok
fetched_at
2026-09-05 13:01:04