Panata
Kung ako ay tatanungin ng panginoong Diyos patungkol sa aking pagbalik ay isa lamang ang aking magiging sagot. Iyon ay ang paulit-ulit kong…
Panata

Basilica of Our Lady of Peñafrancia
Kung ako ay tatanungin ng panginoong Diyos patungkol sa aking pagbalik ay isa lamang ang aking magiging sagot. Iyon ay ang paulit-ulit kong pagsambit ng ngalan mo sa harap ng Kaniyang trono at kung ‘di pa ito sapat ay hihimayin ko ang bawat letrang bumubuo dito at ihaharap sa Kaniya ang bawat pantig na parang isang santo.
Marahil sa iba ang sukatan ng pananampalataya ay pagunawa sa pagmamahal na ibinigay ng may Kapal — subalit para saakin ito ay naiiba. ‘Di hamak na ni isang pulgada ay hindi sasapat upang masukat ang haba ng aking hintuturo sa tuwing pinipili kita bilang sukatan ng aking pananampalataya.
Ito ay sa kadahilanan na tinuruan mo akong magmahal nang walang pag-aatubili na ibigay ang lahat. Ipinaintindi mo saakin na ang pagmamahal ay hindi nakikita bagkus ito ipinararamdam tulad ng nasa itaas. Tinulungan mo ako na makitang muli ang daan na pilit kong tinatahak magisa at binigyan mo ako ng pagasa na muling mabuhay sa bawat minuto na kasama kita. Kaya kung ako ay bibigyan ng pagkakataon — ay handa ako na sumamba muli kung hahayaan Niya ako na mahalin ka hanggang sa dulo ng hiniram kong buhay. Handa ako na maniwala muli sa Panginoon kung maipapangako Niya ang patuloy mong paguwi sa aking mga palad upang muli kang mahawakan sa iyong mga kamay.
Handa akong isuko ang aking sarili, lumuhod, magmakaawa at higit sa lahat ay sumamba pa muli sa Panginoon kung kaakibat nito ay ang pagbigkas ng ating mga panata sa harap ng altar ng kanyang tahanan.
Dahil sa isang taong na hindi kayang maniwala — pagmamahal lamang ang magpapasuway at magpapabago sa kanyang pananampalataya.
— isinulat para kay Kristine.
메타데이터
- post_id
- 08cb82bbcffe
- slug
- panata-08cb82bbcffe
- url
- https://medium.com/@gagambino/panata-08cb82bbcffe
- canonical_url
- https://medium.com/@gagambino/panata-08cb82bbcffe
- author_url
- https://medium.com/@gagambino
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-07-08 02:49:32