← Back to list

Para sayo

Akala lang pala

sel ke · 2025-07-17 07:16 · 0 claps · 0.6 min read
#love #hurt #liham
Open on Medium ↗
Wiki topics: 💑 · Relationships

Para sayo

Ilang tintang nasayang,

Maraming papel na nawalan.

Ilang salitang naisulat,

Inilaan ang damdaming tapat.

Sa mga taong lumilipas,

Ngayon kita ulit gagawan ng tula.

Tulang may tugma, laman ang damdaming minumulto ako tuwing gabi.Nais ko nang sabihin toh ngunit huling huli na ako. Ayokong maging mali sa lahat ng tao, Baka iba ang isipin nila at masabing pumapatol ako sa taong may nagmamay-ari na.

Ito ay hindi tula. Ito ay isang liham na hindi mo mababasa.

iba ang mga tingin at aksyon mo sakin — oh baka naman, Ako lang pala ang nagbibigay malisya sa lahat ng iyon. Iyong mga ngiting nagpapasaya sa araw ko noon ay ayaw ko nang masilayan ngayon. Ang presensya mo na gusto kong malapit sa akin ay kukusa na ang katawan kong aatras — dahil ayaw ko na. Dahil ako’y biktima sa maling akala.

Dahil akala ko lang pala…

— A.


메타데이터
post_id
0d97bac866db
slug
para-sayo-0d97bac866db
url
https://medium.com/@gitalanrodjin03/para-sayo-0d97bac866db
canonical_url
https://medium.com/@gitalanrodjin03/para-sayo-0d97bac866db
author_url
https://medium.com/@gitalanrodjin03
status
ok
fetched_at
2026-06-25 12:15:08