mapanlaban
ang namumuno sa lupa’y uring walang awa umuusig, kumikitil sa ‘di kauring kapwa katutubo, magsasaka, maging manggagawa panawagang kalayaang…
mapanlaban
ang namumuno sa lupa’y uring walang awa umuusig, kumikitil sa ‘di kauring kapwa katutubo, magsasaka, maging manggagawa panawagang kalayaang s’yang ating isinasadiwa ang sagot ng gobyernong tirahan ng yawa pagkondena’t pagsupil sa sambayanan nating kinakawawa
ibagsak ang pasismo, itigil ang panloloko gumising na tayo sa patuloy na panggagago atin nang patalsikin ang kanilang pamumuno oras na para tupukin ang paghahari ng tirano pwersang armado ang kalasag nitong gobyerno ang ating tabak ay ang hinaíng nating pagbabago sa sistemang bulok, naghaharing mga alipin aso ng Kano, silang tunay na kalaban natin
walang tigil ang hukbong mapagpalaya hangga’t ‘di natatamasa sapagkat mayroong pag-asa hangga’t nabubuhay ang masa ang tamis ng kalayaan ay ang ating malalasahan hangga’t tuloy ang pagkilos nating sangkatauhan kalayaan, para sa’ting bayan, atin ding makakamtan ang pangunahing pwersa’y kaisa sa ating laban armadong kilusan, militanteng pakikibaka huwag matakot sa berdugo ‘pagkat kasama mo ang masa
magmulat, magbago, tara na’t makiisa mag-organisa’t magtulong-tulong, ‘pagkat paghihirap nati’y iisa magpakilos at pagliyabin ang rebolusyon nitong masa
메타데이터
- post_id
- 14cf66043de5
- slug
- mapanlaban-14cf66043de5
- url
- https://medium.com/malaya-koleksyon-ng-mga-akda-para-sa-bayan/mapanlaban-14cf66043de5
- canonical_url
- https://medium.com/malaya-koleksyon-ng-mga-akda-para-sa-bayan/mapanlaban-14cf66043de5
- author_url
- https://medium.com/@bumalikwas
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-06-09 15:37:30