← Back to list

August 07, 2023

August 7, 2023

mga sulat sa likod ng notebook ko · 2023-08-16 07:12 · 0 claps · 3.0 min read
#klyde
Open on Medium ↗

August 07, 2023

August 7, 2023

I think, writing is my therapy.

Sumusulat ako ngayon dahil gusto kong i-overanalyze itong nangyayari sa akin para ma-process ko nang sobra at maging logical na lang at hindi na isipin ‘yung emotional side nitong stage na ‘to. In short, ayaw ko nang makaramdam.

Huy pala, feeling ko, isa na sa mga pet peeve ko ay ‘yung mga nagka-cancel ng plans. Although, may mga pagkakataon na nararamdaman ko ring tamarin sa mismong araw no’ng planned event, pero mas pinipili kong gumalaw. Or if the other person ay bet na mag-cancel, tapos same kami ng nafi-feel, hindi na talaga ako tutuloy. Ang point: kailangan mutual decision. Ayoko rin ng majority wins, kailangan, kung lima kayo, ‘yung lima na ‘yan, magka-cancel na lahat.

Nami-miss ko si Klyde. Hahaha. Ang funny, ‘no? Bakit ko nami-miss ‘yung taong nagparamdam sa akin na basura ako? Ang OA no’ng term, pero ayan na lang gamitin natin. Basura talaga. I mean, literal na he just treats me right when it’s convenient for him.

Hm (alam mo ba paano basahin ito? Gusto ko tamang tono, ah), alam ko sasabihin mo hindi ko deserve. Pero ano bang magagawa niyo? Ano ba magagawa ko e nami-miss ko nga? Pero kapag nandiyan siya, hindi rin naman ako gano’n kasaya. Normal lang. Tama lang para ituloy ‘yung araw.

Siguro naging parte si Klyde ng mga normal na araw ko, hindi espesyal, normal lang talaga. Payak. Kaya siguro ngayong wala na siya, parang hindi na normal ‘yung araw. Basta, para kang pumasok sa klasrum pero may nakasulat sa blackboard. E ang inaasahan mo pagpasok, malinis ‘yun dahil may mga cleaners naman na assigned kahapon. Alam mo ‘yung may hindi normal pero hindi naman kulang? Hindi ko naman kasi talaga masabi na may kulang, pero baka gano’n nga?

Minsan, sa delusyon ko, babalik si Klyde. Babalik siya. Kasi hindi niya mahanap ‘yung katulad ko sa mga bagong babaeng makakausap niya. Actually, hiniling ko ‘yan. Na ganiyan ‘yung mangyari. Oh, sasabihin mo na naman hindi ko deserve. Na dapat ‘yung lalaki na para sa akin, hindi na kailangang sumubok sa iba para masigurado niya na ako talaga ‘yung para sa kaniya.

Sus.

Iniisip ko, nakakulong na naman tayo sa pedestal. Baka hindi naman kasi talaga laging gano’n. Siguro ilalaban ko na ‘yung wala namang dapat at hindi dapat sa “pagkagusto”. Magandang term ‘yung “walang dapat at hindi dapat sa nagmamahal”, pero hindi ko naman kasi mahal si Klyde.

Ayun nga, wala naman yatang dapat na pamantayan. Alam kong hindi rin enough ‘yung masaya ka lang. Siyempre, kailangan mo ring maramdaman ‘yung iba pang emosyon na tuntungan ng yugtong ‘yan.

Pero ako, gusto kong sabihin na sakto na sa akin ‘yung masaya lang ako. Gusto ko lang masaya ako.

Wala nang kwenta ‘yung sinasabi ko.

Baka gusto ko lang sumaya. Gusto ko lang maging masaya. Sino bang hindi, ‘di ba?

Siguro para maging masaya, isipin ko na lang ‘yung mga inambag ko sa buhay niya? ‘Yung mga naturo ko. Siguro ang major ambag ko ay ‘yung nalaman niya ‘yung matagal niya nang hinahanap na term. Iyong “tuldik”. Sanay na rin siya gumamit niyan.

Nakakatuwa na may mga sumusubok pa ring pag-aralan ‘yan. Dahil sa kaniya, feeling ko, hindi pa mamamatay ang Wikang Filipino. Sana marami pang katulad ni Klyde. ‘Yung kuryosidad lang sa pag-aaral ng sarili nating lenggwahe, ha? Hindi ‘yung pagiging paasa niya at pag-hang sa’yo sa kung saan.

Gamitin ko na lang din ulit ‘yung bata pa siya. Hindi kami pareho ng hinahanap.

Medyo gumagaan talaga itong loob ko kapag ganito. I mean, kapag nagsusulat. Sabi sa’yo e. Therapy ko nga yata ito. Kailangan ko lang mag-journal nang mag-journal para maging okay. Ganito man ako kay Migo e. Pati ro’n sa ex ko. Ang kaibahan lang, sinend ko sa ex ko ‘yung mga sulat na ginawa ko. Ngayon, hindi ko ise-send kay Klyde ‘to. I know better. Baka mamaya, ikuwento niya pa sa bago niyang makakausap. Hahahaha, hindi naman siguro siya gano’n, pero sus, kinuwento niya nga sa’kin ‘yung “obsessed thingy” ni ano. Paano kung magkaroon siya ng iba pang Alpha na pagkukuwentuhan nitong mga kaululan ko sa kaniya, ‘di ba? Paikot-ikot pa naman ang buhay. Minsan din by turn, baka turn ko nang maging topic sa usapan, tapos ako na ‘yung obsessed na nagkagusto sa kaniya sa mga kwento niya.

Hoy, hindi naman ako obsessed. At ang big word niyan. Huwag natin gamitin, okay.

Gago, 1:43 am na. Hindi ko na alam ano pa ginagawa ko rito. Gusto ko nang umuwi ng Bulacan. Baka sisihin pa ako nila Jethro kapag tumaasa itong bill ng kuryente namin si condo.

Manonood na lang ako ng Gilmore Girls. Bye.

Palagi, Felice


메타데이터
post_id
15132042794f
slug
august-07-2023-15132042794f
url
https://medium.com/@eylpha/august-07-2023-15132042794f
canonical_url
https://medium.com/@eylpha/august-07-2023-15132042794f
author_url
https://medium.com/@eylpha
status
ok
fetched_at
2026-06-29 01:02:39