โ† Back to list

๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ| ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜, ๐——๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐˜†โ€ฆ

Sa dinami-rami ng mga tumatakbong kandidato ngayong 2025 midterm election, ating ihalal ang may malinis na prinsipyo at talinoโ€ฆ

UNISON ยท 2025-05-10 19:36 ยท 0 claps ยท 2.4 min read
#halalan-2025 #ph-midterm-election #philippines #boto-ng-kabataan #unison
Open on Medium โ†—
Wiki topics: ๐Ÿ›๏ธ ยท Politics

๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ| ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜, ๐——๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—š๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ฝ

Sa dinami-rami ng mga tumatakbong kandidato ngayong 2025 midterm election, ating ihalal ang may malinis na prinsipyo at talino. Responsibilidad nating mga mamamayan ang bumoto nang tama at maging mapanuri sa kanilang karanasan sa paglilingkod, pati na rin sa kanilang kakayahang gumawa ng mga epektibong batas. Ngunit gaano nga ba kalaki ang ating gampanin?

Ayon sa tala ng GMA Integrated News Research, 63% ng mga rehistradong botante sa darating na eleksyon ay mula sa hanay ng mga Millennial at Generation Z. Sinasalamin nito ang malaking impluwensya nating mga kabataan sa magiging resulta ng halalan. Kaya naman, gamitin natin ang pagkakataong ito upang isulong ang mas progresibo at malinis na pamahalaan. Ating isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng mga susunod na lider sa nasyonal at lokal na pamahalaan.

Patuloy pa ring umiiral sa bansa ang political dynasty, kung saan kadalasang magkakapareho ang apelyido ng mga kandidatong tumatakbo sa mga posisyon sa pamahalaan. Ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism, 80 sa 149 na alkalde ng lungsod ay mula sa mga pamilyang politikal na muling naghahangad ng puwesto. Sa ating pagboto, may kapangyarihan tayong pumili ng mga bagong lider na may malinaw na adbokasiya, tunay na malasakit sa bayan, at hindi bahagi ng namamayaning dinastiyang politikal. Sa ganitong paraan, makatutulong tayo sa pagtatatag ng mas patas, bukas, at makataong pamahalaan para sa lahat.

Bukod pa rito, may ilang kandidato na may kontrobersyal na nakaraan o nasangkot sa mga kasong kriminal. Bilang mamamayang Pilipino, karapatan natin ang magkaroon ng mga pinunong may malinis na rekord at tapat na intensyon โ€” yaong handang maglingkod nang buong puso at may malinaw na direksyon sa paggamit ng buwis ng bayan. Ipagkaloob natin ang ating boto sa mga kandidatong may maayos na track record at tunay na mapagkakatiwalaan.

Pangatlo, malasakit, puso, at โ€œ๐™ก๐™–๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ข๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œโ€ ang mga pangkaraniwang kampanya o linayahan ng mga kandidato. Ngunit kung iisipin nang malalim, kailangan nga bang palaging umaasa ang Pilipino sa tulong ng mga nasa posisyon?

Kung tutuusin, karapatan nating mamamayan na magkaroon ng maalwan na buhay โ€” permanenteng trabaho, ๐˜ญ๐˜ช๐˜ง๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ, kaligtasan mula sa sakuna, ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ญ๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ง๐˜ช๐˜ต๐˜ด at maayos na edukasyon โ€” sa halip na bigyan lamang ng panandaliang lunas tulad ng ayuda. Seguridad at matiwasay na buhay ang dapat na ibigay sa atin ng mga pipiliin nating iboto dahil ito ang tunay nilang trabaho bilang ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต. Hindi sapat na may malasakit lamang sila tuwing panahon ng sakuna dahil hindi rin matatapos ang patuloy nating paghihirap at pangangailangan ng kanilang tulong. Sa halip, dapat nating iboto ang mga matatalinong kandidato na kayang gumawa ng proyekto at batas na magbibigay-kasiguraduhan sa matatag nating kabuhayan.

Ang pagboto ay hindi lamang karapatan, ito rin ay kapangyarihan. Kapangyarihang baguhin ang kasalukuyan at itaguyod ang kinabukasan. Responsibilidad nating suriin ang mga kandidato โ€” mula sa kanilang edukasyon, pinanggalingan, rekord, at mga plataporma โ€” upang matiyak na silaโ€™y karapat-dapat sa ating tiwala. Sa kabilang banda, malaki ang pwersa nating mga botante, lalo ng mga kabataan, upang gamitin ang ating karapatan tungo sa pagbabago at mas malinis na gobyerno โ€” kung boboto tayo nang matalino at ng matatalinong kandidato.

Sa huli, iboto natin ang taong kayang magtrabaho para sa kaunlaran ng bansa at may kakayahang bigyan ang mga mamamayang Pilipino ng disente, mapayapa, at matiwasay na buhay. Sama-sama nating likhain ang mas maliwanag na bukas โ€” sa pamamagitan ng isang matalinong boto.

โœ๏ธ: Christalie Bondoc

๐Ÿ’ป: Jomar Napila & Aravella Turla


๋ฉ”ํƒ€๋ฐ์ดํ„ฐ
post_id
1890232dc8eb
slug
-1890232dc8eb
url
https://medium.com/@unisonsulong/-1890232dc8eb
canonical_url
https://medium.com/@unisonsulong/-1890232dc8eb
author_url
https://medium.com/@unisonsulong
status
ok
fetched_at
2026-07-19 22:53:17