← Back to list

Panibagong sistema sa audit ng BIR, isinusulong ang transparency

Inilatag ni BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza ang makabagong proseso ng audit system na gagamitin ng kanilang kagawaran sa…

Erisha Alincastre · 2026-04-14 15:36 · 0 claps · 1.2 min read
#bureauofinternalrevenue #loa #audit-reforms
Open on Medium ↗
Wiki topics: ✍️ · Writing & Creative

Panibagong sistema sa audit ng BIR, isinusulong ang transparency

Inilatag ni BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza ang makabagong proseso ng audit system na gagamitin ng kanilang kagawaran sa kanilang mga inilalabas na Letters of Authority (LOA).

Sa panimula, pormal na binuksan ang isang senate hearing noong Pebrero 10, 2026 na pinangungunahan ng tatlong pinakamataas na miyembro ng Blue Ribbon Committee kasama ang BIR Commissioner at ang kanyang mga kasamahan sa Departamento.

Sumunod dito, iprinisinta ni Mendoza ang isang bagong reporma, isang automation na mas epektibo, may pananagutan at transparency. Ayon sa kanya, sa kanyang pagpalit kay former BIR Commissioner Romeo Lumagui, inulan sila ng reklamo na naging sanhi ng panandaliang pag-suspinde ng paglabas ng LOA. Lininaw niya na matapos ang imbestigasyon at pagsasaayos, kanila itong ibinalik noong Enero 27, 2026 sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular №8–2026 at Revenue Memorandum Order №1–2026.

Pagkatapos ng presentasyon, pinuri ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Ping Lacson ang bagong reporma, na hustong binigyan ng pansin ang hinihinging transparency ng publiko. Sinagot ng Commissioner ang mga binabatong katanungan, at idiniin na mananagot ang kahit sino mang empleyado na mapapatunayan na nang-aabuso at sila ay bibigyan ng karapat dapat na parusa.

Kasama rito, sinuportahan din ng dating Commissioner na si Lumagui ang bagong reporma. Kanyang sambit, siya ay pabor sa pagtanggal ng VAT audit units at sa pagpapatuloy ng kagawaran sa pakikinig sa mga suhestiyon ng mga Pilipino.

Sa pagtatapos ng hearing, nagbigay ng mahahalagang suhestyon sina Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson at Vice-Chairman Erwin Tulfo. Kanilang rekomendasyon, patuloy na ipagkalat ang pagbabagong ito at ipalaganap ang nasabing impormasyon sa mga samahan sa negosyo at komunidad, magsagawa ng isang press conference, at ihayag internationally. Bagaman may mga kritisismo, sila ay binati pa rin ni Senador Ping Lacson, Chairman ng nasabing committee, sa kanilang mga ginagawa para mawala ang korapsyon at pang-aabuso.


메타데이터
post_id
235b070bfa0e
slug
panibagong-sistema-sa-audit-ng-bir-isinusulong-ang-transparency-235b070bfa0e
url
https://medium.com/@erishamaea/panibagong-sistema-sa-audit-ng-bir-isinusulong-ang-transparency-235b070bfa0e
canonical_url
https://medium.com/@erishamaea/panibagong-sistema-sa-audit-ng-bir-isinusulong-ang-transparency-235b070bfa0e
author_url
https://medium.com/@erishamaea
status
ok
fetched_at
2026-06-26 21:52:29