Nakita Ko Yung Batang Ako
Nakita ko siya sa panaginip,

(my younger self wasn’t smiling.)
Nakita Ko Yung Batang Ako
Nakita ko siya sa panaginip,
yung batang ako.
Nakaupo siya sa isang sulok, tahimik, parang may hinihintay. Pero hindi siya masaya. Hindi katulad ng iniisip mong batawalang liwanag sa mata, walang gigil sa tawa. Para siyang pagod kahit wala pa siyang pinagdadaanan dapat.
Lumapit ako sa kaniya, dahan-dahan. Parang takot akong baka mawala siya kapag masyado akong naging mabilis.
Tumingin siya sa akin, sakin na diretso.
At doon ko nakita lahat ng matagal kong hindi pinapansin, lungkot, takot, at mga tanong na hindi ko kailanman sinagot.
“Bakit mo ako hinayaan?” tanong niya.
Hindi ako agad nakasagot.
“Bakit mo ako hinayaang makaranas ng masasakit na salita na hindi ko naman deserve? Bakit gabi-gabi, natutulog akong may takot? May kaba? May pakiramdam na may humahawak sa akin habang natutulog?”
Biglang bumigat ang hangin kasi alam ko, hindi siya nag-iimbento ni-hindi ko siya naprotektahan sa lahat.
Hindi ko siya nailayo sa mga bagay na hindi niya dapat naranasan. Hinayaan kong isipin niya na normal lang ang masaktan. Na okay lang ang matakot. Na parte lang ‘yon ng paglaki.
Pero hindi pala.
Hindi dapat nasasanay ang bata sa ganong pakiramdam. Hindi dapat niya dinadala ang takot hanggang sa pagtulog. Hindi dapat siya natutong manahimik para lang maiwasan ang gulo.
Huminga ako nang malalim.
At lumuhod sa harap niya.
“Pasensya ka na,” sabi ko. “Hindi ko alam noon kung paano kita ipagtatanggol. Hindi ko alam kung paano tayo lalaban. Pero ngayon nakikita na kita.”
Tahimik lang siya.
Pero hindi na siya umiwas.
“I’m trying,” dagdag ko. “Hindi man perpekto, pero sinusubukan kong buuin ulit kung anong nasira. Dahan-dahan. Hindi na kita pababayaan ulit.”
May nagbago sa tingin niya hndi pa rin saya.
Pero hindi na rin ganon kabigat.
Siguro hindi sapat ang sorry. Siguro hindi agad mawawala ang sakit. Pero sa unang pagkakataon naririnig na siya.
Nakikita na siya at hindi na siya nag-iisa.
Kasi ang batang ako hindi siya mahina.
Nasaktan lang siya.
At ngayon, ako na ang kakampi niya.
healing doesn’t start when the pain disappears. it starts when you finally listen.
메타데이터
- post_id
- 272effce8efd
- slug
- nakita-ko-yung-batang-ako-272effce8efd
- url
- https://medium.com/@shanstarz/nakita-ko-yung-batang-ako-272effce8efd
- canonical_url
- https://medium.com/@shanstarz/nakita-ko-yung-batang-ako-272effce8efd
- author_url
- https://medium.com/@shanstarz
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-07-08 09:05:23