← Back to list

Sa Muling Pagsalo

Nina Dana Riza Pagtalunan at Ma. Angelita Magisa

SOLIDARIDAD · 2025-09-30 11:22 · 0 claps · 3.5 min read
#romance #red-string-theory #red-string-of-fate #love #fiction
Open on Medium ↗
Wiki topics: LIT · Literature & Writing 💑 · Relationships ✍️ · Writing & Creative

Sa Muling Pagsalo

Nina Dana Riza Pagtalunan at Ma. Angelita Magisa

Dibuho ni Guenevere Zuri Cruz | Pag-aanyo ni Ma. Janilla Reyes

Dibuho ni Guenevere Zuri Cruz | Pag-aanyo ni Ma. Janilla Reyes

Isa, dalawa, tatlo–at higit sa sampung beses na akong nasaktan nang dahil sa pag-ibig. May pagkakataon na dahil sa sila’y nagloko, minsan naman ay dahil sa hindi pa handa. Pero ang madalas?

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘭𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘥𝘩𝘢𝘯𝘢.

Ngunit sa bawat pagkabigo ng puso ko, palaging may isang lalaki na parang tahimik na saksi ang nakatanaw sa malayo, tila palaging nakaaalam ng bawat luhang pumapatak sa mga mata ko. Bakit laging siya ang dapat na makasaksi? Bakit kailangang siya ang makakita sa mga sandaling pinakamarupok ako? Minsan ay nakikita ko siyang nakangiti, minsan naman ay nakabusangot, subalit mas madalas ang mga malamlam niyang mata na nakatingin sa akin. Hindi ito blangko, 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘵𝘪𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺𝘰, pero hindi iyon ang nakikita ko.

𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯, 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘪𝘩𝘪𝘸𝘢𝘵𝘪𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘺 𝘴𝘶𝘭𝘺𝘢𝘱 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯.

Hindi ko alam ang kaniyang ngalan, ni kung anong strand ba siya. Basta nandoon lang siya. Nakatingin. Nakatayo. Minsan ay nasa malapit at madalas ay nasa malayo.

May mga pagkakataong nakakasabay ko rin siya sa jeep. 𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘭𝘢𝘣𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯𝘢𝘯 — 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢. Mga mata lang na nagtatagpo na tila parang may mga salitang gustong bigkasin. Mga pangungusap na pilit kumakawala sa amin.

Minsan naiisip ko, ganoon din kaya ang iniisip niya? May napapansin din ba s’yang koneksyon sa aming dalawa? Baka naman ako lang ang nakakapansin at umaasa.

Noong isang beses, umupo ako sa isang waiting shed — hindi ko inakalang katabi ko pala siya. Ang kapaligiran sa pagitan namin ay namumuo ng katahimikan at pagkailang. Tila walang ingay na gumugulo, walang mga taong nakatayo sa paligid. 𝘉𝘪𝘯𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘺𝘢𝘵𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯.

Nawala nang tuluyan ang katahimikan noong tumawa nang marahan ang lalaki. Puno ng pagkalito ang nakapinta sa mukha ko, na siyang napansin naman niya. Nagpaliwanag s’ya na palagi niyang napapansin na padalas na nang padalas ang pagtatagpo namin — na parang palaging may paraan ang tadhana na ipagtapat kami.

Isang ngiti ang kumawala sa aking labi, hindi ako sigurado ngunit magaan ito sa pakiramdam — bagay na kahit kailan ay hindi ko pa nararamdaman. At doon na nag-simula ang mahabang usapan namin. Sa bawat palitan namin ng kwento sa isa’t isa, unti-unti naming nadidiskubre na marami kaming bagay at interes na magkatulad, mula sa paboritong genre ng musika, mga paboritong pelikula, hanggang sa mga pangarap na gusto naming tuparin.

Sa bawat daloy ng usapan namin, pakiramdam ko’y parang matagal na kaming magkakilala, kahit na ilang ulit pa lang kaming pinagtatagpo ng mundo. Ang mga pag-uusap namin sa oras na iyon ay naging pag-uusap sa mahabang panahon.

𝘏𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘶𝘯𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢’𝘵 𝘪𝘴𝘢.

Lumipas ang mga araw at tila ba mas lalo pang sinadyang pagtagpuin kami ng tadhana. Minsan ay sa jeep, minsan ay sa pasilyo ng paaralan, minsan naman ay sa mga lugar na hindi ko man lang inakalang mapupuntahan niya. At sa bawat pagkakasalubong ng aming mga mata, lalo kong nararamdaman na hindi ito basta aksidente. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘵𝘰 𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢-𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨.

Isang gabi, nagkasabay kaming umuwi. Tahimik ang paligid at tanging mga yabag lang namin ang maririnig . Doon siya biglang nagsalita tungkol sa isang alamat na matagal na raw niyang kinikimkim sa isipan — ang tungkol sa pulang sinulid ng kapalaran. Aniya, bawat tao raw ay may pulang tali na nakagapos sa kanilang hinlalaki, at ang sinulid na iyon ay nakatali rin sa taong itinakda para sa kanila, gaano man kalayo, gaano man katagal.

Napahinto ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa ihip ng hangin o sa bigat ng kaniyang mga salita, ngunit tila may dumaloy na kakaibang init sa aking dibdib. 𝘚𝘢 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯, 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘪𝘺𝘢𝘬𝘢𝘯 — 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘶𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘮𝘢𝘵𝘢𝘬, 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘪𝘴, 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘣𝘪𝘨𝘰 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨. Sapagkat bawat sugat ay nagsilbing gabay, bawat pag-iyak ay naglapit sa akin dito. Sa mismong taong kaharap ko ngayon. 𝘚𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘶𝘵𝘶𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯.

Habang nagpatuloy kami sa paglalakad, hindi ko maiwasang isipin, marahil ang pulang sinulid na iyon ang dahilan kung bakit kahit ilang ulit akong nadapa, may isang taong naroon para saksihan ang bawat pag-iyak ko. 𝘔𝘢𝘳𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯 𝘭𝘶𝘣𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘪𝘸𝘢𝘴𝘢𝘯; 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘯 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘶𝘩𝘪𝘯, 𝘭𝘢𝘨𝘪’𝘵 𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘥𝘩𝘢𝘯𝘢.

Ngayon, sa bawat titig niya, pakiramdam ko’y nakikita niya hindi lamang ang aking mukha, kundi ang mga alaala ng aking nakaraan — ang lahat ng pait, at ang lahat ng pagkukulang. 𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘩𝘪𝘨𝘪𝘵 𝘱𝘢 𝘳𝘰𝘰𝘯, 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘭𝘪𝘥–𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪.

At doon ko napagtanto, hindi na kailangang ipilit ang sagot. Dahil kung totoo nga ang tungkol sa pulang sinulid na nakapulupot sa bawat isa sa atin, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘨𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘴𝘪𝘮𝘶𝘭𝘢, hindi na kailangang madaliin ang lahat. Sapat na ang muling pagsalo. 𝘚𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘮𝘣𝘪𝘵.

Sapat na, sapagkat sa dulo ng lahat ng ito, 𝙠𝙖𝙢𝙞 𝙥𝙖 𝙧𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙜𝙥𝙤 𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙪𝙡𝙞𝙙 𝙣𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙩𝙖, 𝙢𝙖𝙝𝙞𝙜𝙥𝙞𝙩 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙜𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙪𝙨𝙤.


메타데이터
post_id
283a34bb2fd7
slug
sa-muling-pagsalo-283a34bb2fd7
url
https://medium.com/@solidaridadniselo/sa-muling-pagsalo-283a34bb2fd7
canonical_url
https://medium.com/@solidaridadniselo/sa-muling-pagsalo-283a34bb2fd7
author_url
https://medium.com/@solidaridadniselo
status
ok
fetched_at
2026-07-27 15:08:01