← Back to list

Inintegrate ng LayerZero ang peaq, na nagbibigay-daan ng access sa liquidity sa higit kumulang 90+…

Sa madaling salita | Inintegrate ng LayerZero ang peaq, na nagkokonekta ng DePIN ecosystem sa liquidity at data mula sa higit kumulang 90+…

Peaq Philippines in Peaq Philippines · 2024-10-30 03:52 · 55 claps · 2.8 min read
#depin #peaq-network #layerzero-v2 #iot #eot
Open on Medium ↗
Wiki topics: 📟 · Gadgets & IoT

Inintegrate ng LayerZero ang peaq, na nagbibigay-daan ng access sa liquidity sa higit kumulang 90+ blockchains para sa lahat ng DePINs nito.

[embed]

Sa madaling salita | Inintegrate ng LayerZero ang peaq, na nagkokonekta ng DePIN ecosystem sa liquidity at data mula sa higit kumulang 90+ blockchains. Binubuksan nito ang malawakang posibilidad para sa DePINs sa peaq, sa pamamagitan nito mas pinadadali ang paglipat ng mga proyekto mula sa ibat-ibang blockchain patungo sa peaq, at magdudulot ito ng iba’t ibang integrasyon sa hinaharap. Maari mong dalhin ang iyong liquidity mula sa ibang ecosystem patungo sa peaq at magkakaroon ito nang mas maraming kolaborasyon at oportunidad sa Web3.

Walang (matagumpay) na chain nanag-iisa Para sa mga karaniwan nang sumusubaybay sa peaq, alam na ninyong pinapahalagahan ng Peaq ang “web3 interoperability” kabilang sa pangunahing Vision nito. Alam natin na ang mga proyektong dulot ng Web2 ay nagsasarili at lihis na ecosystem na nagreresulta sa hindi balanseng oportunidad at humahadlang sa pag-unlad. Dapat matuto ang Web3 mula sa mga pagkakamali ng Web2 at magtuon sa pakikipag-ugnayan at diwa ng kolaborasyon. Hindi nagaganap ang anumang inobasyon nang mag-isa at hindi ito uunlad nang walang mga taong gumagamit at nagsusuporta.

Sa madaling sabi, layunin ng peaq na magtayo ng tulay, at hindi pader, kaya’t ang integrasyong ito ay talagang may kabuluhan. Mula sa pag-launch ng peaq mainnet, ang LayerZero, ang nangungunang “omnichain interoperability protocol”, ay inintegrate ang peaq. Ang integrasyong ito ay nag-uugnay sa mga DePIN sa peaq, na kasalukuyang nasa pre-launch stage, sa higit na 90+ blockchain ecosystems. Binibigyang-kakayahan nito ang mga DePIN sa peaq na madaling kumonekta at ma-access ng liquidity at data sa lahat ng suportadong blockchain, na parang isang portal patungo sa mas malawak na Web3.

Hinahatid ng LayerZero ang mga decentralized applications na maging omnichain, na nagpapahintulot ng tuluy-tuloy na palitan ng data gamit ang “messaging protocol” nito. Ibig sabihin nito, mainam ang pagdaloy ng mga DePIN sa peaq sa pamamagitan ng isang “all-in-one endpoint” para makipag-ugnayan sa humigit-kumulang 54,000 omni-apps sa Web3. Sa pamamagitan ng LayerZero, maaaring maitala ng mga DePIN sa peaq ang kanilang mga token sa mga nangungunang decentralized exchange tulad ng Uniswap, makipag-ugnayan sa mga DeFi protocols tulad ng Curve at AAVE, at kumonekta sa iba’t ibang Web3 platforms.

Pinalalawak ng integrasyong ito ang gamit ng mga token ng peaq-native DePINs, na nagbibigay sa kanilang mga kalahok ng mas maraming magagawa sa mga “rewards” nilang natatanggap para sa pagbibigay ng mga serbisyong pang-real-world or magagamit sa kasalukuyang pangangailangan. Pinadadali rin nito ang paggamit ng peaq para sa ilang functionalities ng DePINs na nakabase sa ibang layer-1 o ang ganap na paglilipat patungo sa peaq bilang tahanan ng DePIN.

“Ang DePIN sector ay nagdadala sa Web3 sa isang magandang bagong landas, at malinaw na ang peaq ang nangungunang DePIN blockchain sa ganitong espasyo. Maraming makukuha ang DePINs mula sa mas malawak na access sa Web3, na pinapalakas ang pangunahing alok nito na pag-uugnayin ang Web3 sa real-world value na may walang katulad na versatility ng DeFi. Masaya kaming maibigay ang kapasidad na ito sa DePINs na nagtatayo sa peaq.” — Kenny Zhang, Ecosystem Growth Lead sa LayerZero

“Nanininiwala kami na ang interoperability ay isa sa mahahalagang kalamangan ng Web3 kumpara sa Web2. Para sa mga DePIN, ang kakayahang magpalitan ng data at liquidity sa anumang dApp sa Web3 ay isang mahalagang power multiplier na nagbibigay sa kanila ng kompetitibong bentahe laban sa mga incumbent ng Web2. Ibinibigay ng LayerZero integration ang advantage na ito sa mga DePIN sa peaq, na nag-uugnay sa kanila sa mas malawak na Web3 at pinapalakas ang posisyon ng peaq bilang tahanan ng DePIN.” — Leonard Dorlöchter, co-founder ng peaq

Maligayang pagdating sa tahanan ng DePIN Kung may alam kang DePIN na dapat lumipat sa peaq? Ibahagi ang blog na ito sa kanila.

Gusto mo bang makatulong baguhin ang mundo? Magsimulang magtayo sa peaq ngayon o humanap ng pondo para sa iyong ideya.

Samahan kaming itayo ang peaq. Makilahok at Sumali sa Peaq.


메타데이터
post_id
3eedb012c3f5
slug
inintegrate-ng-layerzero-ang-peaq-na-nagbibigay-daan-ng-access-sa-liquidity-sa-higit-kumulang-90-3eedb012c3f5
url
https://medium.com/peaq-philippines/inintegrate-ng-layerzero-ang-peaq-na-nagbibigay-daan-ng-access-sa-liquidity-sa-higit-kumulang-90-3eedb012c3f5
canonical_url
https://medium.com/peaq-philippines/inintegrate-ng-layerzero-ang-peaq-na-nagbibigay-daan-ng-access-sa-liquidity-sa-higit-kumulang-90-3eedb012c3f5
author_url
https://medium.com/@peaqph
status
ok
fetched_at
2026-06-29 02:33:43