← Back to list

Para kanino nga ba ang lupa ng Pilipinas: Sa Mamamayan o sa Mayayaman?

EDITORYAL | Habang-buhay na mapaminsalang mga kalamidad ang magiging epekto ng ekta-ektaryang land reclamation projects na kasalukuyang…

UNISON · 2025-01-22 04:04 · 0 claps · 2.2 min read
#éditorial #youth #philippines #unison #reclamation
Open on Medium ↗

Para kanino nga ba ang lupa ng Pilipinas: Sa Mamamayan o sa Mayayaman?

EDITORYAL | Habang-buhay na mapaminsalang mga kalamidad ang magiging epekto ng ekta-ektaryang land reclamation projects na kasalukuyang nangyayari sa Manila Bay, Pasay City. Sa pagtatala, mayroong naka-linyang tatlong proyektong 360, 265, at 260 na ektaryang sasakupin ang Manila Bay. Sinasalamin ng mga numerong ito kung gaano kalaking pinsala ang mararanasan ng mga mamamayang Pilipino, pangkapaligirang problema man o kabuhayan.

Mula sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources — Environment Management Bureau (DENR — EMB), tatlong iba’t ibang proyekto ng land reclamation sa Pasay City ang binigyan nila ng Environmental Compliance Certificate o ECC. Una ay ang 360-hectare land reclamation ng SM Smart City Infrastructure and Development Corporation na binigyan ng ECC noong 2017 at pinamumunuan ng China Harbour Engineering. Pangalawa ay ang 265 hectares ng Pasay Harbor City Corp. na naaprubahan noong 2019. Panghuli ay ang 260 hectares ng parehong korporasyon. Lahat ng ito ay parte ng malawakang “Pasay Eco City Coastal Development Projects” at binubuo ng mga malalaki at mayayamang pribadong kumpanya at ng ating gobyerno.

Hindi maitatanggi ang trabahong maibibigay nito sa libo-libong mamamayan at ang salaping malilikha ng katakot-takot na negosyong itatayo sa lupaing ito. Subalit hindi ito sapat na dahilan upang ilagay sa panganib ang buhay ng mga tao at ang likas na yaman ng bansa.

Ayon sa plano ng mga proyekto, lalawigan ng Cavite ang pangunahing pagkukuhanan ng lupang itatambak sa Manila Bay. Siguradong magsasanhi ito ng pagkasira ng coral reefs, migration ng mga isda sa ibang lugar, at higit sa lahat, pagkawala ng hanap-buhay ng mga mangingisda. Oo nga at tataas ang kita mula sa industriya ng mga negosyante, ngunit lalo lamang malulugmok sa kahirapan ang mga simpleng mangingisda na kumakayod para may ipanglaman sa kanilang tiyan.

Pangalawa, sinasalamin ng gahamang proyektong ito kung gaano kawalang-alam sa pangangalaga ng species biodiversity ang mismong pamunuan ng DENR. Ang paghukay ng lupa sa dagat ng Cavite ay magsasanhi ng pagkamatay ng maraming uri ng isda at pagkawasak ng iba pang lamang-dagat.

Pinakaimportante sa lahat, lalong lulubha ang sitwasyon ng pagbaha sa mga lalawigang sangkot sa proyekto. Tiyak na tataas ang lebel ng tubig sa Cavite at lalala ang pinsalang mararansan ng mga Pilipino tuwing magkakaroon ng storm surges. Aminado rin dito ang mga namumuno ng mga proyekto ngunit pikit-mata na lamang sila. Nakasaad sa kanilang plano na gagawa sila ng wave deflectors sa baybayin ng Pasay Eco City; subalit hindi nila ito gagawin sa Cavite na nagbigay sa kanila ng lupang ipantatambak sa kanilang proyekto. Malinaw na makikita rito kung gaanong makasarili ang mga korporasyong ito.

Samakatuwid, wala naman talagang magandang maidudulot ang katakot-takot na land reclamation projects na inaaprubahan sa ating bansa dahil hindi ito pinag-iisipang mabuti. Gayong lapitin tayo ng mga kalamidad tulad ng baha at nasa kalikasan ang totoo nating yaman, wala sa hulog ang plano ng ating gobyerno upang mapaunlad ang ating ekonomiya. Sa huli, dapat nating makita na ilan lamang ang mga mangingisda at ang ating likas-yaman sa may mga potensyal na makapagpapayaman sa ating bansa.

Written by Christalie Bondoc Illustration by Jhon Christian Delos Reyes


메타데이터
post_id
40bc5fea5d9b
slug
para-kanino-nga-ba-ang-lupa-ng-pilipinas-sa-mamamayan-o-sa-mayayaman-40bc5fea5d9b
url
https://medium.com/@unisonsulong/para-kanino-nga-ba-ang-lupa-ng-pilipinas-sa-mamamayan-o-sa-mayayaman-40bc5fea5d9b
canonical_url
https://medium.com/@unisonsulong/para-kanino-nga-ba-ang-lupa-ng-pilipinas-sa-mamamayan-o-sa-mayayaman-40bc5fea5d9b
author_url
https://medium.com/@unisonsulong
status
ok
fetched_at
2026-07-21 06:15:37