Minsan kong hiniling na sana alam n’yong may mga hindi kayo pinatutulog sa gabi.
Sinubukan kong tanungin si Klyde kung naintindihan niya ba ‘yung sulat ko.
Minsan kong hiniling na sana alam n’yong may mga hindi kayo pinatutulog sa gabi.
Sinubukan kong tanungin si Klyde kung naintindihan niya ba ‘yung sulat ko.
Ang bigat sa pakiramdam na parang wala lang sa kanila lahat no’ng salitang sinabi mo. Na parang lahat ng inisip mo, na pinilit mong isalin sa salita, para maintindihan nila ay itinapon lang sa kung saan. Parang nilukot na papel na hindi mapakinabangan.
Wala lang ba talaga silang pakialam sa nararamdaman namin?
Hindi ba nila naranasan umamin? Sabihin ‘yung nararamdaman? Umusad ng isang hakbang? O hindi lang talaga sila confrontational? Na kahit anong gawin mo, kung ayaw nila, wala silang paki, mananatili lang sila kung saan sila nakatayo. Kung nauna kang humakbang, gagalaw din sila, pero tatalikuran ka. Gumalaw man sa kinatatayuan, hindi ka nila lilingunin.
Baka nga wala silang paki.
Natutuwa kaya sila? Ano kayang reaksyon nila kapag binabasa nila ang inabot ng isip mo? Pinagtatawanan ka kaya nila?
Ewan ko. Itigil na lang. Baka nga mas mabilis mawalan ng paki.
메타데이터
- post_id
- 4bc204f85ec2
- slug
- minsan-kong-hiniling-na-sana-alam-nyong-may-mga-hindi-kayo-pinatutulog-sa-gabi-4bc204f85ec2
- url
- https://medium.com/@eylpha/minsan-kong-hiniling-na-sana-alam-nyong-may-mga-hindi-kayo-pinatutulog-sa-gabi-4bc204f85ec2
- canonical_url
- https://medium.com/@eylpha/minsan-kong-hiniling-na-sana-alam-nyong-may-mga-hindi-kayo-pinatutulog-sa-gabi-4bc204f85ec2
- author_url
- https://medium.com/@eylpha
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-06-29 01:02:39