Mananatili Ako.
Tatayo ako, titingala at hahawak sa puso. Bibigkasin ang awiting hindi nawala sa uso. Tititigan ang watawat, kasabay ang pagdinig sa…
Mananatili Ako.
Tatayo ako, titingala at hahawak sa puso. Bibigkasin ang awiting hindi nawala sa uso. Tititigan ang watawat, kasabay ang pagdinig sa nakamamanghang liriko, Dito sa Pilipinas, walang pag-aalinlangan, Mananatili Ako.
Balikan natin kung saan lahat nagsimula, Sa unang paghakbang ng isang Lapu-Lapu sa bansa. Sa kung papaanong pinaglaban ang karapatan, Sa mga kalaban at mga makasariling dayuhan. Nung dumating ang mga Kastila, Sadyang nakakamangha May mga bayaning hindi nagpatila Nandyan si Gat Jose Rizal at Andres Bonifacio hangad ay kalayaan at inaasam na pagbabago Ang armas ay hindi baril at mga bomba Kung hindi pagkakaisa, sulat at mga nobela. Nang ang mga Amerikano naman sa baya'y tumuntong, Edukasyon ay tuluyan ngang umusbong. Sina Roxas at Osmeña mga bayaning tumugon, Isama mo na din ang apeliyido ay Quezon. Kaya't mga Pilipino'y patuloy na lumaban, Hindi nagpatinag sa mga mapang-aliping dayuhan. Nilabanan mga Hapon nung nagkaroon ng digmaan, Isang Carlos P. Romulo ang inasahan. Nagtagumpay nga, kaya ngayo'y nagkaroon ng malayang bayan. Sumunod na nga ang tungkol sa mapang-aping gobyerno, walang iba kundi ang Martial Law. Kamay na bakal pinairal dito. Ngunit buhay ay tunay na inalay ng mga Pilipino. People Power, rebolusyon ang kasunod nito. Ninoy at Cory Aquino naman ang tumapat dito. Kung ang pagkakaisa ang sandata wala talagang makakatalo.
Ngayon nalaman natin galing at talino, makabayan, makaDiyos at totoong makatao May sariling Prinsipyo ngayo'y hinihikayat tayo Mga Pilipino, labanan ang katiwalian, lumang sistema at pang-aabuso Tulungan ang ating bayan na umasenso Itaas ang noo sumigaw ng "Mabuhay ang Pilipinas, dito mananatili ako!".
메타데이터
- post_id
- 4e2b17128a9c
- slug
- mananatili-ako-4e2b17128a9c
- url
- https://medium.com/@ruthhazelannbasilio/mananatili-ako-4e2b17128a9c
- canonical_url
- https://medium.com/@ruthhazelannbasilio/mananatili-ako-4e2b17128a9c
- author_url
- https://medium.com/@ruthhazelannbasilio
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-07-11 11:50:14