← Back to list

Tula #2 : Pipiliin ang Sinta

ang munting dalaga at aking sinta

Bryan Talledo · 2026-06-08 19:29 · 0 claps · 1.2 min read
#love #poetry #tagalog #tula
Open on Medium ↗
Wiki topics: LIT · Literature & Writing 💑 · Relationships ✍️ · Writing & Creative

Tula #2 : Pipiliin ang Sinta

Kabanata #1: Para sa Aking Sinta

ang munting dalaga at aking sinta

ang munting dalaga at aking sinta

Sa dami ng taong aking nasalubong sa malawak na daan, Ikaw ang naging dahilan ng bawat aking hakbang, Sa dami ng mukhang dumaan at tuluyang naiwan, Ikaw ang nanatili sa pusong aking munting tahanan.

Sa madilim na baryo, hindi man ikaw ang pinakamatingkad na liwanag, Ngunit ikaw ang naging payapang aking pangarap. Hindi man ikaw ang pinakaperpektong nilalang, Ikaw naman ang naging sagot sa aking kakulangan.

Nang ako'y naliligaw at sumisigaw sa gitna ng sobrang dilim, Ikaw ang naging tala na aking mga hiling.

Nang ako'y nanghihina at halos hindi na gising, Ikaw ang naging lakas na aking kapiling.

Pinili kita hindi dahil sa iyong anyo, Kundi dahil sa kabutihang taglay ng iyong puso.

Pinili kita hindi dahil sa ibat ibang pagpupugay, , Kundi dahil nananatili ka sa gitna ng mga sablay.

Sa bawat umaga na sumisilip ang araw, Ikaw pa rin ang dahilan ng aking mga galaw. Sa bawat gabi na tahimik ang kalawakan, Ikaw pa rin ang laman ng aking makulay na isipan,

At kung muli man akong bibigyan ng pagkakataon, Na tahakin ang buhay sa ibang panahon at ibang henerasyon, Sa bilyong pusong maaari kong maging kaugnayan, Ikaw pa rin ang pipiliin kong munting pag-aalayan.

Sapagkat ang pag-ibig ay hindi lamang damdamin, Ito'y pagpiling araw-araw na dapat akuin.

At sa bawat bukas na darating sa ating landasin, Ikaw pa rin, mahal ko, ang aking pipiliin.

Ikaw ang pinili ko noon, Ikaw ang pinipili ko ngayon, At ikaw pa rin ang pipiliin ko hanggang sa huling panahon.


메타데이터
post_id
4f40cfa0f12e
slug
tula-2-pipiliin-ang-sinta-4f40cfa0f12e
url
https://medium.com/@bryantalledo75/tula-2-pipiliin-ang-sinta-4f40cfa0f12e
canonical_url
https://medium.com/@bryantalledo75/tula-2-pipiliin-ang-sinta-4f40cfa0f12e
author_url
https://medium.com/@bryantalledo75
status
ok
fetched_at
2026-06-21 19:25:17