← Back to list

2352

Bakit nga ba ako nahihiya magmahal? Hindi ba dapat bukas sa kalooban mo ang magmahal? Hindi kaya ang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing…

fifi · 2026-06-03 16:17 · 0 claps · 0.7 min read
Open on Medium ↗

2352

Bakit nga ba ako nahihiya magmahal? Hindi ba dapat bukas sa kalooban mo ang magmahal? Hindi kaya ang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing kailangan ang nakaapekto? O kaya ang abot sa langit na pamantayan pagdating sa mga katangian ng dapat mong mahalin?

“Love is endless.” Pero bakit niyo ikinahihiya ang mga taong nag mahal dahil ayun lang ang kanilang kakayahan? Ang magmahal ng lubusan. Hindi ibig sabihin nito ay pinagtatanggol ko sila, hindi. Wala ang krisis na ito kung ang ating gobyerno, ang mga taong dapat na sumisilbi sa sambayanan, ay mayroong maayos na pamamalakad. Hindi dadaan sa ating isipan ang mga katagang “Mahal kita pero bente na lang ang pera ko”. Hindi dapat tayo naghihirap maghanap ng magandang kalidad na edukasyon sa ating mga kabataan, hindi tayo nagkakanda petsa de peligro kapag naubusan na tayo ng sweldo nating sapat lamang sa pang araw-araw na pamumuhay.

Hindi dapat tayo naghihirap kung ang ating gobyerno ay marangal na nagseserbisyo sa kanilang bayan.

Hindi ka mahirap mahalin, sadyang nakatira lang tayo sa Pilipinas.

Mahal na mahal ka ng bayan mo, Pilipinas. Bakit ganito na ang estado mo ngayon?


메타데이터
post_id
8f982fb1aff2
slug
2352-8f982fb1aff2
url
https://medium.com/@aghroulp/2352-8f982fb1aff2
canonical_url
https://medium.com/@aghroulp/2352-8f982fb1aff2
author_url
https://medium.com/@aghroulp
status
ok
fetched_at
2026-06-29 01:02:39