← Back to list

Paano kita bubuhayin sa panahon ngayon?

Her_starry_letters · 2026-06-15 15:23 · 0 claps · 1.3 min read
#love #poverty #life
Open on Medium ↗
Wiki topics: 💑 · Relationships 📢 · Social Issues

Paano kita bubuhayin sa panahon ngayon?

Ang mahal na nga pala magmahal. Hindi sapat ang sahod kong ito, paano kita mapapakain sa bente ko?

Hindi sapat ang pagmamahal sa panahon ngayon, “mahal na ang bigas pati ang isang lata ng sardinas, kung mamahalin kita ngayon sabay tayong magugutom.”- sambit ng Esremborak

Tama nga sila paano tayo magmamahalan sa panahong pati ang isang lata ng sardinas ay mahal na? Kahit mahal natin ang isa’t isa hindi tayo mabubuhay sa pagmamahalan lamang, kung lahat rin ay nagmamahal hindi naman lahat ay nabubusog.

Kaya kitang pangitiin ngunit hindi sapat ang pagngiti lamang. Mahal kita ngunit hindi ito sapat kung mahal din ang halaga ng bawat araw na kailangan nating harapin.

Paano kita bubuhayin kung ako man ay hirap nang buhayin ang sarili ko? Paano kita hahawakan kung ang mga kamay ko’y abala sa paghahanap ng pagkakakitaan? Paano kita ipaglalaban kung ang una kong kalaban ay gutom at kakulangan?

Hindi ko kinukuwestiyon ang pag-ibig natin. Ang kinukuwestiyon ko ay ang panahong pilit itong sinusubok. Sa mundong bawat galaw ay may katumbas na bayarin, tila ba naging luho ang mangarap at naging pribilehiyo ang magmahal nang walang iniisip na bukas.

Sapagkat balang araw, kapag hindi na natin kailangang magbilang ng baryang pambili ng bigas at sardinas, maaalala natin ang panahong ito na sa gitna ng kakapusan, pinili pa rin nating manatili. Hindi dahil sapat ang pagmamahal, kundi dahil ginawa natin itong lakas upang mabuhay.

Ngunit kung may natutunan man ako, ito’y ang katotohanang hindi sapat ang pag-ibig upang mabuhay, ngunit mas lalo ring mahirap mabuhay nang walang pag-ibig. Kaya habang nagsisikap tayong punuin ang sikmura, sana’y huwag nating hayaang magutom ang ating mga puso.

-lyn


메타데이터
post_id
9b4a89a5ed4b
slug
paano-kita-bubuhayin-sa-panahon-ngayon-9b4a89a5ed4b
url
https://medium.com/@nekalyncceleste/paano-kita-bubuhayin-sa-panahon-ngayon-9b4a89a5ed4b
canonical_url
https://medium.com/@nekalyncceleste/paano-kita-bubuhayin-sa-panahon-ngayon-9b4a89a5ed4b
author_url
https://medium.com/@nekalyncceleste
status
ok
fetched_at
2026-06-17 08:20:12