ang ma-kape-ling ka
ang ma-kape-ling ka

Anong mas gusto mo? ‘Yung malamig o mainit na kape? Ako kasi gusto ko ‘yung mahawakan muli ang mainit-init niyang kamay, para mayakap ng nanlalamig kong mga palad.
hindi magagambala ng lamig nitong mapait ngunit manamis-namis na inumin ang init ng palad mong kay lambot; kay sarap damhin at haplusin.
‘yung tipong sa bawat pagdikit, paglapit, at pagdama ng mga palad na nanginginig at nanlalamig sa kaba, ay siyang pagkalma ng pusong lalabas na sa lakas ng pagpintig.
subalit, kung titignan mo ang inuming ito, hindi na ito magtatagal, dahil sa paglipas ng bawat segundo, nariyan na — lasa ng yelo’ng tunaw na kasama ng pag-irog sa isa’t isa na paunti-unting nalulusaw.
ngayon nalaman ko na kung bakit — kaya pala nauuna ang tamis bago ang pait hanggang umabot sa mayapa, dahil tulad ito ng pag-sinta nating nilalanggam pa noong una,
at dinaanan ng napakaraming pait na siyang tiniis upang makakapit sa pagnanais na muling matamasa ang tamis na dala ng silakbo ng pagsuyo, at ang kagustuhang madama muli ang init ng mga kamay mo —
hanggang sa naging mayapa ang lasa ng kape’t pagkahumaling, at ngayo’y hiling na ang mayapang tikim nawa’y maging payapang damdamin, maski ang init ng mga palad ay nawala — maski tayo’y naglaho’t nawala.
⋆.ᝰ🖉༊
메타데이터
- post_id
- 9e027ea798ca
- slug
- ang-ma-kape-ling-ka-9e027ea798ca
- url
- https://medium.com/@p.luma.laya/ang-ma-kape-ling-ka-9e027ea798ca
- canonical_url
- https://medium.com/@p.luma.laya/ang-ma-kape-ling-ka-9e027ea798ca
- author_url
- https://medium.com/@p.luma.laya
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-07-18 18:12:35