← Back to list

Pag-ibig ay Kanibalismo

Mga Tula ni Win #4

Charles Cruz · 2026-02-19 13:19 · 0 claps · 0.7 min read
#pag-ibig #pagibig-ay-kanibalismo-ii #liham #poem
Open on Medium ↗
Wiki topics: LIT · Literature & Writing ✍️ · Writing & Creative

Pag-ibig ay Kanibalismo

Mga Tula ni Win #4

Pag-ibig ay Kanibalismo.

Sa aking paglayag, may natanaw na pagliyag Sa aking pagpukaw, may giliw na pagkauhaw Aking nakita, ang dalisay na mutya Ulila sa pag-ibig, muling nabigla.

Sa bawat saknong, ikaw ang isinulat Sa bawat pahina, ikaw ang inilathala. Damdamin na patuloy kumakaripas Haplos na patagong lumalagas.

Pag-ibig ay Kanibalismo Ako’y nabighani sa mga ngiti mo, tinig mo, yakap mo — mundo mo Ngunit hindi para sa akin ang puso mo.

Sa sakit at lumbay ng aking kalungkutan Mga saknong onting onti nakalimutan Kanibalismo, di ka matiis Pag-ibig mong kay tamis, aking nais.

Authors Note: Liham ay patungkol sa Pag-ibig sa pamilya, pag-ibig sa iba at pag-ibig sa sarili.


메타데이터
post_id
a81e6e641fb9
slug
pag-ibig-ay-kanibalismo-a81e6e641fb9
url
https://medium.com/@charlesdarwincruz10/pag-ibig-ay-kanibalismo-a81e6e641fb9
canonical_url
https://medium.com/@charlesdarwincruz10/pag-ibig-ay-kanibalismo-a81e6e641fb9
author_url
https://medium.com/@charlesdarwincruz10
status
ok
fetched_at
2026-06-25 07:00:49