← Back to list

Bagong reporma sa LOA, tugon ng BIR sa hinaing ng bayan

Inihain ni BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza ang isang bagong reporma para sa pamamahagi ng mga Letters of Authority (LOA), sa…

Erisha Alincastre · 2026-04-16 07:29 · 0 claps · 2.3 min read
#bureauofinternalrevenue #loa #audit-reforms
Open on Medium ↗
Wiki topics: LIT · Literature & Writing

Bagong reporma sa LOA, tugon ng BIR sa hinaing ng bayan

Inihain ni BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza ang isang bagong reporma para sa pamamahagi ng mga Letters of Authority (LOA), sa layuning wakasan ang di-umanong pang-aabuso ng ilang opisyal ng BIR at ayusin ang koleksyon ng buwis sa Pilipinas.

Ang hakbang na ito ay pormal na iprinisinta sa isang senate hearing na pinamunuan ng Blue Ribbon Committee noong Pebrero 10, 2026, ito ang naging tugon sa maraming reklamo tungkol sa irregularidad o pang-aabuso na ginagawa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagkolekta ng buwis gamit ang mga LOA. Sa ilalim nito, hangad ang pananagutan ng mga sangkot at transparency para sa lahat.

Paglipat ng Pamumuno sa BIR

Sa pag-upo ni Mendoza bilang bagong BIR Commissioner kapalit ni Romeo Lumagui, hinarap niya ang sunud-sunod na reklamo galing sa mga mamamayan tungkol sa mga (LOA) na nilalabas. Ito ay binatikos dahil sa paulit ulit na audit ng walang malinaw na basehan na initial assessments. Nagkaroon din ng overlapping audits na naging dahilan ng pagka-lito ng mga tao.

Bilang tugon sa isyu, napagdesisyunan ng kagawaran na suspindihin sumandali ang pag-isyu ng mga LOA. Unti unting na bigyang daan ang pagpasok ng bagong reporma, at naging malinaw ang proseso ng pagbaba ng dokumento. Inilahad nila ang Revenue Memorandum Order (RMO) №1–2026, isang polisiya na nagpakilala sa panibagong reporma, kung saan nakapailalim ang bagong proseso ng audit na isinusulong ang transparency at predictability.

Ang mga pagbabago ay pinuri ng Blue Ribbon Committee Chairman na si Senator Ping Lacson, ang mas pagkilala sa kahalagahan ng transparency para sa tiwala ng mga Pilipino. Dagdag pa rito ang pagsang ayon ni Lumagui, na natutuwang ipinagpatuloy pa rin ng departamento ang paghingi at pakikinig sa suhestiyon ng mga mamamayan.

Sagot sa mga katanungan

Maraming tanong ang nais masagot ng bawat Pilipino at ng mga nasa senado, lito at pangamba ang kanilang nararamdaman dahil sa hindi maintindihan na proseso. Ngunit sila ay hinarap ng BIR Commissioner ng may lakas ng loob at kaalaman upang masagot ang kanilang mga katanungan. Sa kanyang mga sagot, ang kagustuhan nya lamang ay mas maintindihan ng mga tao ang pagbabagong nangyari sa ahensya.

Ipinaliwanag niya na dumaan sa maingat na pagsusuri at malinaw na pakikinig sa mga suhestiyon ang panibagong reporma, mas strikto, sistematiko, at maayos ang kanyang pangako. Binigyang diin niya na ang bagong automation ay naglalayong mapanatili ang pagiging patas, gamit ang pagbabawas ng pagpapasya ng tao at ibinigay ang trabahong ito sa system.

Bilang pagtatapos, nilinaw niya na sila ay tumatanggap pa rin ng mga suhestiyon upang mas lalong mapaganda at maabot ang pamantayan ng kada Pilipinong taxpayers. Naging mariin din ang kanyang pagbanggit na ang mga empleyado na napatunayang sangkot sa isyu ay mapapatawan ng angkop na kaparusahan.

Nasa iyo ang desisyon

Bilang pangwakas, ang kaayusan, tagumpay, at transparency ang nais ng lahat, ang kagustuhan na ang lahat ay mapayapa at nasa tama. Sa susunod na hakbang, pinakinggan ng mabuti ni Mendoza ang mga suhestiyon na ibinigay at gagawin ang makakaya para mas maging maayos pa ang sistema.

Nagpahayag ng suhestiyon si Lacson, mas palawakin pa ang abot ng balitang ito dahil napansin niyang kaunti at mayroong pang hindi nakakaalam nito. Dagdagan na rekomendasyon ni Tulfo, ipakalat ito sa mga samahan sa negosyo at komunidad, magsagawa ng isang press conference, at ihayag internationally.

Sa huli, tayo pa rin ang magtutulungan bilang kapwa mga Pilipino. Patuloy sa pagsubaybay sa proseso ng sistema ang BIR nang sa gayon ay mapagbuti ng kagawaran ang pangangasiwa sa buwis at bumalik ang tiwalang nasira. Ang desisyon ay nasa iyo, ikaw ba ay dapat maging gahaman o maging boses ng karamihan?


메타데이터
post_id
b6e2c8beb821
slug
bagong-reporma-sa-loa-tugon-ng-bir-sa-hinaing-ng-bayan-b6e2c8beb821
url
https://medium.com/@erishamaea/bagong-reporma-sa-loa-tugon-ng-bir-sa-hinaing-ng-bayan-b6e2c8beb821
canonical_url
https://medium.com/@erishamaea/bagong-reporma-sa-loa-tugon-ng-bir-sa-hinaing-ng-bayan-b6e2c8beb821
author_url
https://medium.com/@erishamaea
status
ok
fetched_at
2026-06-26 21:52:29