Pangarap nalang ba?
kamusta? isa akong batang may pangarap ngunit nawawalan na ako ng pag-asang mangarap dahil sa sistema ng pilipinas.
Pangarap nalang ba?
Bakit parang minamadali ako ng mundo? hindi naman ako minamadali ng mga magulang ko, pero ramdam ko ang kanilang pag-asa at tiwala saakin.
Takot na takot akong kunin ang matagal ko nang pinapangarap, bakit nga ba ganito? samantalang noon parang siguradong-sigurado na ako dito.
Sa bawat hakbang, nawawalan ako ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang matagal nang inaasam.
Hindi na ako sigurado sa kung ano mang takbo ng buhay ko, mas nawawalan na din ako ng pag-asang umunlad ang bansang ito.
Ano pa nga ba ang silbi ng grado ko, kung ang bansang ito ang babagsak saiyo.
메타데이터
- post_id
- b7aec2b6eab4
- slug
- pangarap-nalang-ba-b7aec2b6eab4
- url
- https://medium.com/@barbarhianne/pangarap-nalang-ba-b7aec2b6eab4
- canonical_url
- https://medium.com/@barbarhianne/pangarap-nalang-ba-b7aec2b6eab4
- author_url
- https://medium.com/@barbarhianne
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-06-22 05:41:33