← Back to list

Tatayaang sugal

Ang pag-ibig ba ay sugal? Isa ba itong laro na tinatayaan. Baka naman isa itong sumpa na may kaakibat na paghihirap. O baka naman ay isang…

echoesofvessel · 2026-07-02 06:45 · 0 claps · 0.5 min read
#gamble #love #risk-taking
Open on Medium ↗
Wiki topics: 💑 · Relationships

Tatayaang sugal

Ang pag-ibig ba ay sugal? Isa ba itong laro na tinatayaan. Baka naman isa itong sumpa na may kaakibat na paghihirap. O baka naman ay isang pagkakasala.

Ano man ang ihandog sa akin na kapalit, pipiliin ko pa rin ito.

Patuloy pa rin akong tataya sa bawat tyansa na maipagkakaloob. Babalewalain ang pagkabaon. Isasantabi ang katotohanang bakas na ang pagkatalo magmula pa sa umpisa. Pipiliin ko ang masumpa. Ang hirap ay iindahin. At mas pipiliin ko ang magkasala. Titiisin ang naglalagablab na apoy na susunog sa aking diwa. Ang pagdudusa ay buong-pusong tatanggapin para sa panalangin na inaasam.

Aanhin ang sarap at kaginhawaan kung puno naman ng pangungulila. Ang isipan ay patuloy na mababagabag ng mga sana. Mapupuno ng pagsisisi sa mga bagay na dapat. Anuman ay lakas loob na susuungin, masabi lang na hindi nabigo nang may pagsuko.


메타데이터
post_id
bb564957b01d
slug
tatayaang-sugal-bb564957b01d
url
https://medium.com/@nishjayie/tatayaang-sugal-bb564957b01d
canonical_url
https://medium.com/@nishjayie/tatayaang-sugal-bb564957b01d
author_url
https://medium.com/@nishjayie
status
ok
fetched_at
2026-07-09 16:18:44