← Back to list

“medyas, panghaplas… at dalawang senior citizen discount…”

sss pension, burloloy, bonnet [masereno], stevia

sly of arc · 2025-09-01 12:26 · 83 claps · 2.0 min read
Open on Medium ↗
Wiki topics: ⚖️ · Law & Justice 🧘 · Spirituality

“medyas, panghaplas… at dalawang senior citizen discount…”

sss pension, burloloy, bonnet [masereno], stevia

sienna — the marias

sienna — the marias

siguro iyon ang dahilan kung bakit nakilala kita ng mas maaga, bago pa man tayo tumanda at maranasan ang mundo na puno ng pangkaraniwan.

[bago pa man ang bawat umaga ay maging kasing payak ng hangin na dumarampi sa mukha at ang bawat gabi ay puno ng walang saysay na katahimikan.]

sasakay tayo sa jeep na amoy pawis at estudyante. [magtatagpo ang mga kamay natin sa pagitan ng mga upuan — hawak ko man o hawak mo’y hindi na mahalaga.] mararamdaman ko ang hugis ng kalyo, ang lamig ng ating singsing, ang init ng palad mo, at ang tibok ng pulso mo na para bang sumasabay sa makina, sa klakson, sa huni ng lungsod na abala sa sarili nitong buhay. [sana naramdaman mo din ang aking paghihintay — lumalawak at nagiging parang walang hanggan ang mga segundo para sayo.]

makikita natin ang pagtaas pa ng mga presyo ng bilihin, susunod sa mga susunod na presidente, pipila sa di mabilang na medical mission at pabigas. kasama ka sa bawat pagtanong sa doktor, sa bawat paghinga na tinatamasa natin ng magkasama.

magiging intresado tayong sumali sa mga kooperatiba at makikinig sa mga nagmamadre-madrehan na nagbabahay-bahay. [para sa atin, may hiwaga ang init.]

aabot tayo sa panahon na hindi ka na pwedeng magmarijuana at mag-inom, ako nama’y hindi na pwedeng manigarilyo, magpaparamihan tayo ng sakit at magpapalabuan ng mata.

magmemerienda tayo ng kakanin at kape, maaga tayong magigising sa umaga. matutunan nating gugulin ang mga sobrang oras sa pagtulala.

at hahayaan nating mapundi ang dating kinang.

ordinaryong baay na hindi natin makukuha.

ang hindi pwede ay hindi na pwede.

mga pangarap na nakatali sa nakaraan, halik na di na mauulit, at mga yakap na iiwan ng panahon.

ang oras ay dumaraan, tumatakbo, umaalis, at hindi na bumabalik.

ang disyembre ay lalapit, mas sasakit ang ating mga tuhod sa rayuma, ang agosto ay dadating, ang lahat ay magpapatuloy ng wala ka.

baka sabihin ko sa sarili ko, o baka ipangako ko na hindi na kita isusulat ulit.

ako’y palaging sa’yo. sa makakapal na medyas sa durabox, sa katinko sa tokador, sa dalawang senior citizen discount [na hindi natin makukuha].

ang bawat tunog ng jeep na dumadaan, ang lamig sa katawan ko, ang bawat patak ng ulan sa bubon — lahat ay sinusubukang makipag-usap sa akin ng mga bagay tungkol sa’yo.

lahat ay magpapatuloy — mananatili kang sa akin [hindi sa mundong ito] lalo na sa mga nakakabagot na eksena ng isang lumang buhay, palaging sayo.

ang mundo ay mananatiling walang kaakibat na pagkakaintindihan. pero sa kaloob-looban ko, mananatili kang sa akin. hindi sa mundong ito, kundi sa bawat nakakabagot, tahimik, at maliliit na eksena ng lumang buhay na hindi natin makakamtan.

palaging sayo.

sayo.

sayo.

sayo.


메타데이터
post_id
c4af67ddbb0c
slug
medyas-panghaplas-at-dalawang-senior-citizen-discount-c4af67ddbb0c
url
https://medium.com/@n.119439/medyas-panghaplas-at-dalawang-senior-citizen-discount-c4af67ddbb0c
canonical_url
https://medium.com/@n.119439/medyas-panghaplas-at-dalawang-senior-citizen-discount-c4af67ddbb0c
author_url
https://medium.com/@n.119439
status
ok
fetched_at
2026-06-24 16:30:55