Natuto na akong mangulila sa isang tao nang hindi na nanaising bumalik pa sila
https://pin.it/6oymqvuNW
Natuto na akong mangulila sa isang tao nang hindi na nanaising bumalik pa sila
Hindi ko agad napansin noong una, dumadalas na pala ang mga pagkakataong may hinahanap ako na hindi ko na kayang pangalanan.
Nakatitig lamang sa kisame tuwing gabi, habang hinihila ang sarili sa kasinungalingang pinipilit paniwalaan: na ang pag-alis ay isa ring parte ng pagmamahal; na ang pananahimik ay minsan mas makatao kaysa piliting manatili sa isang bagay na hindi naman na kayang buuin.
Tiniis ko ang lungkot sa bawat umagang ikaw ang una kong naaalala, at bawat gabing ikaw pa rin ang nasa isip bago ako lamunin ng dilim.
Ngayon, dala ko pa rin ang alaala mo — hindi na bilang pasaning kailangan kong buhatin, kundi bilang paalala kung paano ako nagmahal, at kung gaano katagal akong nagtiis bago matutong palayain ang sarili ko mula sa ‘yo.
Wala akong inaasahang kapatawaran. Wala akong inaasahang pangalawang pagkakataon.
Dahil napagtanto ko nang may mga taong darating sa buhay natin na hindi na natin gugustuhing mawala , pero kailangan — at may mga sakit na hindi natin ginustong maramdaman , ngunit bahagi ng paghilom.
Natuto na rin akong tanggapin iyon.
Nasanay na akong marinig ang pangalan mo at ngumiti, hindi dahil wala nang sakit, kundi dahil tinanggap ko nang may mga taong mamahalin natin, na hindi talaga para sa atin.
Ang paghilom ay hindi makikita sa paglimot. Makikita ito sa pagtanggap — na may mga pangungulilang hindi na kailangan pang balikan.
메타데이터
- post_id
- c745fd0fdac3
- slug
- natuto-na-akong-mangulila-sa-isang-tao-nang-hindi-na-nanaising-bumalik-pa-sila-c745fd0fdac3
- url
- https://medium.com/@deveraprincess855/natuto-na-akong-mangulila-sa-isang-tao-nang-hindi-na-nanaising-bumalik-pa-sila-c745fd0fdac3
- canonical_url
- https://medium.com/@deveraprincess855/natuto-na-akong-mangulila-sa-isang-tao-nang-hindi-na-nanaising-bumalik-pa-sila-c745fd0fdac3
- author_url
- https://medium.com/@deveraprincess855
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-06-25 07:00:49