Kapag kaya nauna kayong matapos mag-dasal, hihintayin niyo ako?
Mananatili kaya kayo para hayaan akong tapusin ang dasal ko?… O uuna na kayo?
Kapag kaya nauna kayong matapos mag-dasal, hihintayin niyo ako?
Mananatili kaya kayo para hayaan akong tapusin ang dasal ko?… O uuna na kayo?
“Exam na naman sa isang linggo, tara kaya mag simba?”
Gawain na tin tuwing nalalapit na naman ang linggo ng pagsusulit
Abot ng barya, kuha ng kandila, tsaka dadayo sa pagdadasal
Sabay-sabay tayong nagsimula, lumuhod, at ipinikit ang mga mata
Taimtim kong ipinagdikit ang mga palad at saka humiling nang payapa
Lumipas ang oras, narinig ko ang kaludkos niyo… Mukhang tapos na yata kayo, kaso ako’y hindi pa
Hinintay niyo kaya ako? Nandyan pa ba kayo’t naka-upo?
Sa wakas, natapos na rin ako.
Ngunit sa pagtatapos kong ito, napagtanto ko na wala na kayo
메타데이터
- post_id
- ccf20c54cdca
- slug
- kapag-kaya-nauna-kayong-matapos-mag-dasal-hihintayin-niyo-ako-ccf20c54cdca
- url
- https://medium.com/@jilleanealexiaolayao/kapag-kaya-nauna-kayong-matapos-mag-dasal-hihintayin-niyo-ako-ccf20c54cdca
- canonical_url
- https://medium.com/@jilleanealexiaolayao/kapag-kaya-nauna-kayong-matapos-mag-dasal-hihintayin-niyo-ako-ccf20c54cdca
- author_url
- https://medium.com/@jilleanealexiaolayao
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-06-27 18:20:27