← Back to list

Katanggap tanggap

Have you ever felt like everything about you is unacceptable? Na para bang lahat nalang ng mga bagay na patungkol sa sarili mo ay di mo…

Ulysses09 · 2026-04-20 08:41 · 0 claps · 2.4 min read
#acceptance #tagalog #taglish #advice #self-help
Open on Medium ↗
Wiki topics: 🔧 · Data Engineering 🚀 · Self Improvement

Katanggap tanggap

Have you ever felt like everything about you is unacceptable? Na para bang lahat nalang ng mga bagay na patungkol sa sarili mo ay di mo matanggap?

Now Playing : Tahan — Night Over Alaska

According sa ating mahiwagang dictionary, the word acceptance means the act of consenting, recieving , tolerating a situation , person and etc without denial or resistance. Ibig sabihin ito ay gawa na dapat gawin nang tao na may pagsangayon. (tinagalog ko lang HAHAH)

Ngunit bakit nga ba may mga taong tulad ko na hirap sa mga ganitong bagay? Bakit nga ba ang hirap tanggapin ng nga bagay na ito?

Para sa akin, kaya ito nangyayare dahil sa mga bagay na ‘di kaaya-ayang nangyare sa akin. Our society also find it difficult to acknowledge ang mga bagay na mali, panget sa mata nila, or yung mga unusual. Kaya nga we have the thing called cancel culture dahil sa mga opinion ng madla na doesn’t really matter. Doesn’t really help us.

Isang rason pa kung bakit ito nangyayare, kasi we always believe and seek the good in people. Yung mga bagay lang na nakakaimpress, na sasangayunan ng nakakarami. Mga bagay na nakakaproud. Ngunit kung wala di ba? Ibig sabihin ba non, we are unacceptable?

But the truth is we tend to forgot na there is an opposite to everything. Ang kalakip ng liwanag ay dilim. Na kung mayroong maganda, may pangit. Kung mayroong maayos, may magulo.

That’s just the reality we have to accept

Kung tayo mabubuhay sa mundong ito, kailangan natin tanggapin ang bawat pangyayare na nangyayare sa atin, maganda man ito, o bagay na ang sarap nalang ibaon sa hukay. I can’t deny na gusto ko rin ng perpektong buhay, ang buhay na walang dagok ng pagkakamali, walang mabigat na dala dala —malaya. Ang tanong , nakakilala ka na ba ng taong hindi kailaman ay nagkamali?

Ayon ang mga bagay realidad. Pare-parehas lang tayo na may demonyong namamanhikan, mga bahong kahit anong pilit mong itago, ay umaalingasaw. Mahirap , kahit akong inyong manunulat sa akin ito ay napakahirap, ngunit pano tayo uusad sa buhay kung sa mga dumi lang natin tayo naka-focus?

Bawat ganap at pangyayari sa buhay natin ay may kadahilanan. Maybe it’s for you to further develop and grow. Maybe it’s for you to appreciate the life you have now even on your worst days. Maybe it’s for you to learn how to rely on other people. O baka naman, para lang ito ay maramdaman mong buhay ka.

Grabe ‘yung hiwaga ng buhay ‘no? I just know one day, all of these life trials and battles na pinagdadaanan natin na naging rason upang di natin tanggapin ang mga situation, or sarili natin, will just be a story to tell. Something we would look back into and say that we have a come long way.

Hindi na natin namalayan,

Na tinanggap nalang pala ‘din natin, para lamang magpatuloy sa ating buhay

Kaya kung ikaw man ay isang tao na nagseseek ng way para sa acceptance ng mga cruelties na nangyare sa buhay mo, I feel you. Darating din tayo roon. Feel the emotion, feel the grief, the anger, the disgust. Then later on, empathize yourself, embrace yourself, comfort your lovely self.

Without denial, resistance, refusal is where you find the peace of acceptance.

Don’t rush. Do it on your own pace.

I am with you my friend.

Naiintindihan kita.

Di man kita kilala, tanggap kita.

Katanggap tanggap ka.


메타데이터
post_id
cfbbbab3cb44
slug
katanggap-tanggap-cfbbbab3cb44
url
https://medium.com/@ulysses09/katanggap-tanggap-cfbbbab3cb44
canonical_url
https://medium.com/@ulysses09/katanggap-tanggap-cfbbbab3cb44
author_url
https://medium.com/@ulysses09
status
ok
fetched_at
2026-06-21 21:05:38