← Back to list

Sa Bituin

version 2.0

mi cielo · 2018-08-13 09:09 · 0 claps · 0.5 min read
#sa-bituin #malayang-taludturan
Open on Medium ↗

Sa Bituin

version 2.0

Bakit kaylangan kalimutan? Kung pwede naman itabi Ang mga alaala noong gabi Na kahit sa isang saglit Nasilayan ang iyong mga ngiti.

Ngunit kahit gaano kasakit Ang pag - iwan mo saakin Hindi ko parin alam kung bakit Ang puso ko'y gusto kang suyuin

Kahit sa aking pagpikit Kita ko ang iyong mga ngiti Pero di lang pala ako yung nakapansin Nakita rin pala nito ng mga bituin

At sa tuwing ika'y maiisip Hindi na ako iiling-iling Titingin nalang ako sa bituin Para ikaw ay aking makapiling

Bumalik tayo sa unang gabi Kung saan tayo ay magkatabi O kay sarap pakinggan ng tinig Na nanggagaling sa aking dibdib

Ngunit hindi ko na nga pala mababalik, Ang mga nangyari noong gabi Kaya pasensiya ka na aking iniibig, At iuukit ko nalang sa bituin Ang pag-ibig na namagitan saatin.


메타데이터
post_id
d36b8d201993
slug
sa-bituin-d36b8d201993
url
https://medium.com/@Emoniquu/sa-bituin-d36b8d201993
canonical_url
https://medium.com/@Emoniquu/sa-bituin-d36b8d201993
author_url
https://medium.com/@Emoniquu
status
ok
fetched_at
2026-07-30 01:02:49