← Back to list

Saan Ka Nag-“fail”?

Mga plano sa alapaap

Adrian Alejandro in Pluma Manila · 2020-07-15 16:47 · 20 claps · 1.2 min read paywalled
#planos #spoken-poetry #buhay #filipino-writer #poetry
Open on Medium ↗
Wiki topics: LIT · Literature & Writing ✍️ · Writing & Creative

Saan Ka Nag-“fail”?

Mga plano sa alapaap

Photo by Sebastián León Prado on Unsplash

Photo by Sebastián León Prado on Unsplash

Minsan, sa akin ay may nagtanong — isang kaibigan, isang katoto, isang taong malapit sa aking puso. Aniya ay ganito…

“Saan ka nagfail?”

Akin siyang sinagot sa piyesang ito:

Sa mga plano… sa mga planong di pa nagaganap, ngunit totoo. At suportado ng mga pangarap na siyang isinilang sa kalangitan, mga planong itinitibok ng aking puso, mga planong nakikita, natatanaw, pinaniniwalaan — ngunit hindi pa nahahawakan.

Pero para sa mga plano ko, at sa mga plano mo, ‘wag kang mag-alala, di pa katapusan ng mundo. mapapasaiyo pa rin ang minimithi mong mga plano. Mapapasakamay mo rin ang mga pangarap na tila bang nasa alapaap — lumulutang at ipinag-iimbot ang sarili, at waring di na maabot ng kamay kailanman.

Ngunit ang totoo, ay alam mo — alam mo na maaabot mo pa rin ang mga ito, sapagkat ito ang tadhanang nakakintal sa iyong puso. Isang tadhanang marubdob mong isinamo sa Diyos na lumikha sa iyo.

Buhay. Buhay at hindi magbabago. Buhay na patotoo — mga pangako sa iyo ay mananatiling buhay, hanggat ikaw ay buhay. Hanggat ikaw ay umaasa hanggat ikaw ay naniniwala. Mabubuhay ang mga pangitain. Titindig ang mga kalansay. At lalabas ang mahiwagang titik sa iyong pader: ELOHIM.

See spoken poetry on Youtube: Mga Plano sa Alapaap

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

[embed]Pluma Manila Creative Platform for Everything Filipinomedium.com


메타데이터
post_id
d83afa9453fd
slug
saan-ka-nag-fail-d83afa9453fd
url
https://medium.com/pluma-manila/saan-ka-nag-fail-d83afa9453fd
canonical_url
https://medium.com/pluma-manila/saan-ka-nag-fail-d83afa9453fd
author_url
https://medium.com/@othniel-lagablab
status
ok
fetched_at
2026-07-28 23:05:54