gumising ka, pag-asa ng bayan
ISANG PANAWAGAN SA AKING MGA KAPWA KABATAAN
gumising ka, pag-asa ng bayan
ISANG PANAWAGAN SA AKING MGA KAPWA KABATAAN
tayo ang pag-asang nagkukubli sa takot, tayo ang pwersang bumabaluktot sa dahas tayo ang pag-asang nagbibingi-bingihan, sa kampo ng mapang-abuso’y doon tayo lumilikas
ang ating lakas, kaalaman, at liksi, mapangyabong ito sa kilusan ng mga api ang pwersa sa kalungsurang pinamumugaran ng mapang-alipin, tayo’y kumilos upang sila’y magapi
hinandugan tayo ng isipang matalas, isipang mapanuri, isapang lumilitis sa katotohanan subalit ang karamiha’y mas pinipiling magpabola, para sa layaw, para sa ginhawa
gumising ka, pag-asa alam kong ika’y himbing sa kaluluwa ng mga kabataang ito gumising ka, makabayan alam kong ika’y nasa puso ng bawat Pilipino
tayo’y isang lahing kay tagal nang inaabuso, ang lupa’y ating luhuran sa panahon ng pananakop
isang dagok sa mga ninuno ang ating pananahimik, tila’y ‘di tayo nauuyam sa pagtangkilik sa mga dayuhang kumakamkam sa yamang bansang mayroon ang Pilipinas
dumuko man ang karamihan, lalagaslas pa rin ang sigaw ng mga pinarurusahang tila mga dahong pimipiglas kasabay ng buga ng hanging kanluran
malalagas man ang ilan subalit tayo ay yayabong sa bawat dako ng kabayanan, bagyo man ang dumating, tayo ay titindig nang higit pa sa tibay ng isang nara sapagkat sa dugo nati ay may matapang na lahi na handang ipaglaban ang kaniyang bayan
huwag kang pasusupil sa kanilang mararahas, tayo ay isang lipunang may prinsipyo para sa bayan
uusad ang ating laban at mapupuksa rin natin ang kanilang pang-aalipin darating ang panahong bandila na natin ay pula sapagkat tapos na ang kanilang paghahari’t pang-aalipusta
MGA KABATAANG PILIPINO, IPAKITA MO ANG IYONG LAKAS AT PWERSA, PARA SA BAYAN, PARA SA MGA PILIPINO, AT PARA SA KILUSANG ATING IPATUTUPAD! MAGING TUNAY TAYO’T PALABAN, MGA KABATAANG MAKABAYAN!
메타데이터
- post_id
- da8fd6551d05
- slug
- gumising-ka-pag-asa-ng-bayan-da8fd6551d05
- url
- https://medium.com/malaya-koleksyon-ng-mga-akda-para-sa-bayan/gumising-ka-pag-asa-ng-bayan-da8fd6551d05
- canonical_url
- https://medium.com/malaya-koleksyon-ng-mga-akda-para-sa-bayan/gumising-ka-pag-asa-ng-bayan-da8fd6551d05
- author_url
- https://medium.com/@bumalikwas
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-06-16 19:09:56