kung saan may hanay
No’ng high school ako, wala akong alam sa bigat ng lipunan. Hindi ko rin alam na pambansang isyu na pala ang mga problemang kinaiinisan ko…
kung saan may hanay

The Nation Builder — CTU MC
No’ng high school ako, wala akong alam sa bigat ng lipunan. Hindi ko rin alam na pambansang isyu na pala ang mga problemang kinaiinisan ko. ’Yung simpleng reklamo sa trapiko ay hindi pala dahil ‘pasaway ang mga tao,’ kundi dahil bulok na sistema ang gumagawa ng trapiko. Pati ’yung binabayaran kong tuition, isa ring isyung panlipunan. Na may mga estudyante na palang nakikibaka para sa libre, aksesable, at de-kalidad na edukasyon, habang iniisip kong “ganito nalang talaga.”
Akala ko rin dati kailangan talaga nating maghintay ng anim na taon para sa pagbabago. Ang alam ko lang ay basta hindi parehong apelyido ang manalo kada eleksyon ay puwede na, ‘di ko naisip na pare-pareho pala silang tumatakbo sa sistemang nagpapanatiling may mayaman at mahirap. Do’n ko naisip na mali ako. Hindi pala normal na umiiral ang panlipunang uri. Hindi pala dapat nakaasa sa dayuhang industriya ang ekonomiya. Hindi rin pala dapat naka-tengga tayo sa import-export para mabuhay. At ’yung ideyang dapat ‘mag-kolaborasyon’ ang gobyerno sa dayuhan ay harap-harapan palang panloloko sa masang pilipino.
Kapag sinasabi nating “Ang Kabataan Ang Pag-asa ng Bayan,” hindi lang pala ibig sabihin no’n na mag-aral ka nang mabuti para ‘makatulong balang araw.’ Ang ibig sabihin: isama mo ang masa sa makatarungang lipunan. Alalahanin mo sila. Alamin at magbigay alam ka sakanila. Pakilusin mo sila. Sama-sama n’yong harapin ang mala-kolonyal at mala-pyudal na sistemang kumikitil sakanila araw-araw.
Ang eleksyon ay isang enggrandeng dula ng naghaharing uri, at hayagang pananamantala sa masa.
Magpa-organisa ka. Makibaka kasama ang masa. Sumali sa NDMOs!
메타데이터
- post_id
- dbdbd1bb4fef
- slug
- kung-saan-may-hanay-dbdbd1bb4fef
- url
- https://medium.com/@zazelafterimage/kung-saan-may-hanay-dbdbd1bb4fef
- canonical_url
- https://medium.com/@zazelafterimage/kung-saan-may-hanay-dbdbd1bb4fef
- author_url
- https://medium.com/@zazelafterimage
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-08-16 02:30:46