magkano ulit? ito, sobra na yan
basa ang kalsada sa recto na sanhin ng halos linggong pa-uulan. parang lumang cassette tape na paulit-ulit ang tugtog ng mga paa — mabigat…
magkano ulit? ito, sobra na yan

basa ang kalsada sa recto na sanhin ng halos linggong pa-uulan. parang lumang cassette tape na paulit-ulit ang tugtog ng mga paa — mabigat, mabilis, nagmamadali. ang ilaw sa tindahan ng pirated na dvd ang nakabalandra sa gilid, mga camrip na pelikula ni jason statham at dwayne johnson, top 100 hits pampasko, barbie movies collection, one piece season 1 to season 7, ay parang ilaw ng mumurahing motel, maaliwalas pero kita ang bahid ng mura at kalaswaan.
nasa gilid ako ng bangketa, hinihintay siya habang hinahaplos ang malamig na hangin sa pawis at batok ko.
“putangina naman, hoy, nasan na siya?” sabi ko sa sarili ko na unti-unti at pilit nang kinukuyom ng galit at bagot.
nakasandal ako sa poste, hawak ang cellphone na halos malowbat na. mga ilaw mula sa jeep, taxi, at bus ang nagkukumpas sa paglabas-masok ng mga tao sa bawat sulok ng lansangan. tingin ko, nasa eksena ako ng isang pelikula, ang tipo ng indie na kinukunan sa handheld camera para ipakita ang dumi, ang gulo, ang kahubaran ng maynila.
pero hindi pelikula ‘to. ang tunay na pelikula ay yung ginagawa namin ni mia tuwing gabi.
“pucha, sorry.” biglang sabi niya mula sa likod. bumaling ako. andun siya, naka-cropped top na hapit na hapit sa dibdib, parang sinukat ng mga daliri ko, at ripped jeans na luma pero sigurado akong may presyo.
sa gabing ito, siya ang nagbibigay ng kahulugan sa kalye.
“traffic.”
hindi ako sumagot.
tiningnan ko lang siya.
tangina, paano ba ako magagalit sa ganitong mukha?
ang totoo, kaya ko siyang patawarin sa kahit anong dahilan, kasi siya ang dahilan. siya ang rason kung bakit ako nasa recto, kung bakit may halaga ang oras ko sa kalyeng ito.
naalala ko ang una naming tagpo. hapit din ang blouse niya noon, kapos sa tela at halos hubad na, naka takong siya na sinadya atang itapak sa bato ng recto.
sabi nila kapag bata ka, wala kang alam.
mali sila doon dahil alam ko siya. magaling siyang ngumiti ng peke, mabilis siya magbilang ng pera, at alam niya kung kailan siya dapat aalis.
“pumasok tayo sa loob.” hinila ko ang braso niya, hindi siya nagtanong. basta siya, alam niyang ang recto ay palaging may destinasyon pero walang direksyon. sa kalsadang ito, lahat pwedeng mangyari.
sa motel kami dumiretso.
“kapal ng mukha mo.” sabi niya habang nilalapag ang bag sa maliit na mesa. “di mo man lang tinanong kung kumain na ako.”
“tangina, mia, kumain ka na ba?” sagot ko na may tono ng pagkaasar.
ngumiti siya.
pero hindi iyong cute na ngiti. iyong ngiting bastos, yung tipong nang-aakit, nang-aasar, nagpapasabik.
“hindi pa.”
hindi ako sumagot. lumapit ako sa kanya, hinawakan ang beywang, at hinila siya palapit. wala nang usapan. ang init ng hininga niya sa leeg ko, ang kamay ko sa likod niya, ang mga labi namin na parang gutom na hayop, lahat yun parang lumang kanta na hindi mo kayang kalimutan kahit pa gusto mo.
“dahan-dahan lang.” sabi niya. pero tangina, walang “dahan-dahan” sa recto. walang dahan-dahan sa buhay namin.
sinimulan naming alisan ng saplot ang isa’t isa. ang kaluskos ng damit sa sahig ay parang tunog ng bayong na binubuksan para maglabas ng sekreto. wala nang ilangan, wala nang arte. sa bawat paghaplos ng palad niya sa balat ko, pakiramdam ko’y nilalabhan niya ang kaluluwa ko, tinatanggal ang dumi, pero iniiwan ang marka.
“tangina mo, mia.” sabi ko, habang nakatitig sa mata niya. hindi insulto ang mga salitang ‘yon. sa gabing ito, yun ang pinaka-purong anyo ng pagmamahal na kaya kong ibigay.
ang mga salitang iyon ang pinakamalapit na naiisip ko sa pagmamahal.
“tangina mo rin.” sagot niya, sabay tawa na parang musika ng sirena na magpapalunod sa akin.
at sa gabing iyon, sa madilim na kwarto na may amoy ng zonrox at pawis, sa ilalim ng manipis na kumot na parang balat ng sibuyas, ginawa naming altar ang kama. ang katawan niya ang dasal, ang galaw namin ang ritwal.
walang sumpa, walang pangako. ang meron lang ay ang sandaling ito.
“ayoko na ng ganito.” bigla niyang sabi habang nakahiga kami pagkatapos. nakatitig siya sa kisame, pero alam kong ang nakikita niya ay ang buhay na gusto niyang takasan.
“ng alin?” tanong ko, bagamat alam ko naman ang sagot. pero minsan, gusto mo pa rin marinig mula sa bibig ng iba.
“ng lahat ng ‘to,” sabi niya, nakatitig sa kisame. “yung parang araw-araw, ganito na lang. walang plano, walang patutunguhan. parang laro na wala namang mananalo.”
hindi ako sumagot. ano ba ang isasagot mo sa ganun? na may plano ka? na may patutunguhan tayo? na mananalo tayo kahit na alam mo namang hindi totoo?
“mia.”
“hindi kita iiwan.” sabi ko. at kahit na alam kong putangina, baka bukas wala na siya, sinabi ko pa rin. ngumiti siya. pero hindi na iyon yung bastos na ngiti. yung ngiti niya ngayon ay malungkot, pero totoo. at sa ngiting iyon, alam ko na. alam kong hindi na kami magkikita muli.
kinabukasan, wala na siya sa recto.
kinabukasan, wala na siya. ang recto, nanatiling basa, magulo, at puno ng yabag ng mga paang nagmamadali. pero ako, naiwan akong naghihintay. sa poste, sa motel, sa ilalim ng ulap ng usok at ingay.
at ang recto, katulad ko, ay nanatiling gulo, dumi, at galaw. pero hindi na siya parte nito. at ang katawan ko, ang kaluluwa ko, ang kwento namin, ay naiwan na lang sa ulap ng usok at alingawngaw ng yabag mga yabag ng taong naglalakad.
ang recto ay parang isang sugat na hindi maghilom-hilom. basa ang kalsada, basag ang pagkatao, at basahan ang mga pangarap na tila naiwang nakalugmok sa mga bitak ng semento. ang mga paa ng tao ay tila kalabit ng tambol sa isang sirang radio, mabigat, paulit-ulit, at walang humpay. sa gilid ng lansangan, mga pirated dvd na parang patunay ng mundong walang pakundangan sa karapatan ng iba. may liwanag, pero ang liwanag na ito’y parang ngiti ng isang taong alam mong sinungaling.
nasa poste ako, isang kaluluwang naghihintay, habang ang hangin ay may halong lamig ng ulan at lagkit ng usok.
“putangina naman, hoy, nasan na siya?” bulong ko sa sarili. ang galit ay parang init sa ilalim ng balat, kumukulo pero wala namang mapuntahan.
nakasandal ako sa poste, hawak ang cellphone na halos malowbat na. mga ilaw mula sa jeep, taxi, at bus ang nagkukumpas sa paglabas-masok ng mga tao sa bawat sulok ng lansangan. tingin ko, nasa eksena ako ng isang pelikula, ang tipo ng indie na kinukunan sa handheld camera para ipakita ang dumi, ang gulo, ang kahubaran ng maynila.
pero hindi pelikula ‘to. ang tunay na pelikula ay yung gagawin namin ni lia ngayong gabi.
“hi, sorry.” biglang sabi niya mula sa likod. bumaling ako.
“i was stuck sa traffic. bigyan nalang kita ng extra”
hindi ako sumagot.
tiningnan ko lang siya.
“pumasok tayo sa loob.” hinila ko ang braso niya, hindi siya nagtanong. basta siya, alam niyang ang recto ay palaging may destinasyon pero walang direksyon. sa kalsadang ito, lahat pwedeng mangyari.
sa motel kami dumiretso.
ang sahig ay malamig, ang kama ay manipis, pero walang pakialam si lia. ang buong katawan niya ay nagku-kwento, hindi ng pagmamahal kundi ng pagod. nakita ko ito sa paraan ng paghubad niya ng kanyang sapatos, parang tinatanggal ang bigat ng buong mundo sa kanyang mga paa.
“bakit recto?” minsan niyang tanong habang nakahiga kami sa manipis na kama.
“dito kasi madaling magtago.” sagot ko.
ngumiti siya, pero hindi yung ngiti na puno ng saya. yung ngiti niya ay parang marka ng dugo sa pader, isang paalala na minsan, hindi ka na makakabalik sa dati mong anyo.
“ito, sobra na yan” inabot niya ang pera ng mabilis, parang mabubura ng pagbabayad niya ang bigat ng kahihiyang nakakapit na. palinga-linga si lia, kinakabahan at umalis na dala ang konsensyang kailanma’y hindi niya mabibigkas.
메타데이터
- post_id
- deb3d96bc0d1
- slug
- magkano-ulit-ito-sobra-na-yan-deb3d96bc0d1
- url
- https://medium.com/@n.119439/magkano-ulit-ito-sobra-na-yan-deb3d96bc0d1
- canonical_url
- https://medium.com/@n.119439/magkano-ulit-ito-sobra-na-yan-deb3d96bc0d1
- author_url
- https://medium.com/@n.119439
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-06-26 21:52:29