Ano kayang reaksyon ng mga nakabasa ng sulat ko?
Ika-22 ng Mayo, 2023 Lunes, 12:14 N.U.
Ano kayang reaksyon ng mga nakabasa ng sulat ko?
Ika-22 ng Mayo, 2023 Lunes, 12:14 N.U.
Kay ikaw,
May 22 na. May 12 nang sinend ko ang letter. Ito na naman ako sa pag-iisip ng mga matagal ko na dapat iniwan at inalisan.
Ano nga kayang reaksyon ni Klyde no’ng nabasa niya ang sulat ko? Ano kayang naiisip niya tuwing nire-reply-an niya ang mga story ko?
Ilang beses kong pinilit ‘yung sarili ko na huwag na lang siya pansinin. Na hayaan na lang siya sa kung anumang ginagawa niya. Pero minsan talaga, may mga munting boses na magtutulak sa’yo… sasabihing, “Last na”, hanggang sa hindi mo na alam kung nakailang “last na” ka na.
Mali yata na hindi ako nanghingi ng sagot niya? Kung ibabase sa kilos, gusto pa yata makipag-usap ni Klyde? O kung hindi man makipag-usap, baka gusto niya lang talagang reply-an ang ilan sa mga story ko sa IG.
Ni-remove ko na siya sa close friends list ko. Dati, gusto ko siyang nando’n. Gusto kong nakikita niya ‘yung side ko na hindi masyadong lantad sa tao. Pero ngayon, naiisip ko nang mali yata na binigyan ko siya ng pribilehiyo na mapunta ro’n. Alam kong hindi niya kasalanan, ni hindi nga siya natanong kung gusto ba niyang mapunta sa close friends list ko. Hmm, bakit nga kaya walang gano’ng feature ang Instagram? ‘Yung magtatanong muna sana kung pumapayagan ka bang ma-add sa close friend. Kasi malay mo pala ayaw no’ng tao, ‘di ba? Tapos lagay ka nang lagay.
Pero ano nga kaya? Ano bang tumakbo sa isip mo, Klyde, no’ng nabasa mo ‘yung sulat ko? Tinawanan mo kaya ako? Hindi ko rin alam ano pang kailangan mo sa akin at bakit kinakausap mo pa rin ako. Ewan ko. Ang gulo mo.
Hahaha, tama na.
Alam mo, medyo gumagaan talaga itong pakiramdam ko tuwing ginagawa ko ‘to. Epektibo yata talaga ang pagsusulat.
Nga pala, si Elijah, hahahaha, natatawa pa rin ako sa pag-uusap namin. Hindi ko nga pinapansin ngayon, sinabihan kong malansa, kasi ayaw aralin maigi si tuldik, tapos si Spanish at Chinese, master niya? Ang yabang e. Hahahaha. Inasar ko lang, ni-reply-an niya yata ako ng ok? Seen ko.
Nagpapala pa rin si Papa sa gilid ng bahay. Alas dose na. Pinapagod niya ba ‘yung sarili niya? Ayaw ko siyang lapitan, hindi ko gusto ‘yung ginawa niyang pagdadabog kanina.
Natapos ko na ‘yung requirement sa thesis ko. Nakapagbigay na rin ako ng merit at demerit. Ang weird pala lagyan ng merit ng sarili, ‘no? Kaya lang, sabi nga ng bff ko, deserve ko naman ‘yun.
Malapit na ang OJT ko. Hindi pa ako ready. Hindi ako sanay gumamit ng Canva. Hindi ko alam saan ako makakapasok. Wala akong club na sinalihan. Sana hindi sila magbase ro’n. Sana makapasok ako sa malaking network!
Palagi, Felice
메타데이터
- post_id
- e094e54674fa
- slug
- ano-kayang-reaksyon-ng-mga-nakabasa-ng-sulat-ko-e094e54674fa
- url
- https://medium.com/@eylpha/ano-kayang-reaksyon-ng-mga-nakabasa-ng-sulat-ko-e094e54674fa
- canonical_url
- https://medium.com/@eylpha/ano-kayang-reaksyon-ng-mga-nakabasa-ng-sulat-ko-e094e54674fa
- author_url
- https://medium.com/@eylpha
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-06-29 01:02:39