Ekspedisyon: Pagpili ng Paksa sa Isang Saliksik
Sa pagpili ng paksa, mahalagang suriin ng mananaliksik ang mga mahalagang parametrong magkakaroon ng malaking papel sa kaniyang saliksik…
Ekspedisyon: Pagpili ng Paksa sa Isang Saliksik
Sa pagpili ng paksa, mahalagang suriin ng mananaliksik ang mga mahalagang parametrong magkakaroon ng malaking papel sa kaniyang saliksik. Ang isa sa mga pangunahing katangian ng isang paksa ay dapat interesado ang mananaliksik dito, sapagkat ito ang magbibigay-inspirasyon sa kaniya upang ipagpatuloy at sa kalaunan ay hangaring matapos ang pag-aaral. Bukod pa rito, mahalagang ang paksa ay napapanahon at naiuugnay sa mga kasalukuyang suliranin ng lipunan. Hangga’t maaari, magandang lagyan ng makabagong elemento ang paksa na makapagbibigay ng panibagong impormasyon sa bayan. Ang paksa ay masasabing mainam kung ito ay hindi nangangailangan ng kumplikadong metodo at matagal na panahon upang isagawa. Maaaring maiwasan ang mga inkombenyensiya sa pamimigatan ng pagpili ng isang tuwirang paksa na simple at hindi masyadong teknikal. Pinakahuli, ang isang paksa ay dapat makapagbigay ng bagong kaalaman na makatutulong sa samabayanan upang makakuha ng mga posibleng solusyon sa mga napapanhong mga suliranin.
Sa pagsulat ng paksa, mahalagang isaalang-alang ang ayos ng mga salita upang tuwirang mailahad ang mga kaisipang saklaw ng pag-aaral. Ang napiling paksa ay dapat isinasaad sa pamamagitan ng pagsunod sa mga espesipikong patnubay. Sinisumulan ang paksa sa pamamagitan ng pagsusulat ng sanhi ng pag-aaral, o ang independent variable, upang mabigyang-linaw ang layunin ng paksa. Sinunusundan ito ng magiging bunga ng pag-aaral, o ang dependent variable na siya namang nagsasaad ng magiging resulta ng pagsasagawa ng metodo. Kalakip nito, sunod na isinusulat ang mga kabuoan ng mga naging kalahok ng pag-aaral, tulad ng mga mag-aaral sa isang paaralan. Panghuli, isasaad sa pinakadulo ng paksa ang pook kung saan isasagawa ang pananaliksik.
Halimbawa:
“Ang Masusing Pagsusuri sa Mental Health ay may Epekto sa Akademikong Kakayahan ng mga Mag-aaral ng Holy Spirit Academy of Malolos”
Mapapansin na ang paksa ay naging tiyak at hindi paligoy-ligoy. Dahil dito, madaling mauunawaan ng mambabasa ang kabuoang ideya ng saliksik.
Sa pagbuo ng isang pamagat, mayroong tatlong palatuntunan na makatutulong dito sa pagiging angkop at mabisa sa mga mambabasa. Una, mahalagang panatilihin ang esensya o diwa ng paksa. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangunahing punto/salita na kumakatawan sa kakanyahan ng paksa. Ikalawa, upang maaanyayahan ang mambabasa na unawaain ang saliksik, hindi dapat inilalapat ang resulta ng saliksik sa pamagat. Ikatlo, siguraduhing hindi lalagpas sa labing-apat na salita ang pamagat. Ito ay upang maging payak at madaling maintindihan ang pamagat.
Halimbawa:
Pangangalaga sa Mental Health: Epekto sa Akademikong Kapasidad ng HSAians
Matatalos na ang nabuong pamagat ay maikli ngunit malaman sapagkat saklaw nito ang lahat ng mahahalagang detalye ng paksa.
Photo by Scott Graham on Unsplash
메타데이터
- post_id
- e102fb514e2e
- slug
- ekspedisyon-pagpili-ng-paksa-sa-isang-saliksik-e102fb514e2e
- url
- https://medium.com/@gaviellecruz/ekspedisyon-pagpili-ng-paksa-sa-isang-saliksik-e102fb514e2e
- canonical_url
- https://medium.com/@gaviellecruz/ekspedisyon-pagpili-ng-paksa-sa-isang-saliksik-e102fb514e2e
- author_url
- https://medium.com/@gaviellecruz
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-07-28 14:18:06