← Back to list

Alay-puri

Hindi ako naniniwala sa pag-ibig.

meeskei · 2026-05-20 17:00 · 0 claps · 1.1 min read
#protest-poetry #dagli #violence #misinformation #journalism
Open on Medium ↗
Wiki topics: LIT · Literature & Writing SOC · Sociology & Politics ✍️ · Writing & Creative 📰 · Journalism & News 📢 · Social Issues

Alay-puri

credits to Henaosilvam on Pinterest

credits to Henaosilvam on Pinterest

Hindi ako naniniwala sa pag-ibig.

Sa lalaking sisisirin daw ang pinakamainam na perlas, mapasakanya ka lang. Sa irog na lalambingin ang iyong pagkatao, hanggang sa malirip ang rurok ng iyong kilig.

Lalong hindi ako umaasa.

Na ang bawat mariing yapos niya’y may mas malalim na kabuluhan. Na ang bawat pagpipigil hininga’y alalay sa mahina.

Naniniwala ako sa galit.

Na ang bawat haplos sa pisngi at halik sa labi ay pag-iling sa kagustuhan kong tumindig. Na ang bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig ay patalim sa nakukuba ko nang panibdib.

Naniniwala ako sa dusa.

Na kailangan ko pang harapin ang samu’t saring sakim, para lamang makaalpas sa kinalalagyan ko. Na kailangan munang dumanak ang sarili kong dugo, bago magkatinig ang mga mutyang katulad ko.

Naniniwala naman ako sa pag-ibig.

Kung ‘di lang ako binaboy ng libo-libong mga mata. Kung ‘di lang ako pinatirapa ng mga kapwa-tao ko rin naman.

Maniniwala pa rin ako sa pag-ibig.

Sapagkat ito ang saysay ng pagbubuwis ko ng puri. Sapagkat ito ang solusyon sa nag-aagaw buhay na impormasyon.

— — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — -

— in remembrance of my entry for 7th Gawad Galing Plaridel 2025 - poetry writing (tagalog)


메타데이터
post_id
e7bd77f44652
slug
alay-puri-e7bd77f44652
url
https://medium.com/@meeskei/alay-puri-e7bd77f44652
canonical_url
https://medium.com/@meeskei/alay-puri-e7bd77f44652
author_url
https://medium.com/@meeskei
status
ok
fetched_at
2026-06-09 15:37:30