Gising na ang Bayan, Pepe
‘Yan ang sabihanan nila
Gising na ang Bayan, Pepe
‘Yan ang sabihanan nila

Photo by Josh Massey on Unsplash
“Natutulog ang bayan sa liwanag ng̃ buwán.”
Hindi. Gising na sila, Pepe. Gising, at makikita mong nanonood sa Netflix, nagii-scroll ng FB o ng Twitter o ng Instagram. Hindi mo na naabutan yung digital age. Ngunit ‘wag kang mag-alala. Gising ang bayan. Busy sila. Mayroon silang pinagkakaabalahang trabaho, hobby, pelikula, series, alak, madyong, at kung ano pa. Maaaring jargon na sa iyo ang ilan sa mga sinabi ko, Pepe. Magtiwala ka sa akin, gising sila… mukhang gising sila.
Paano mo’ng nasabi?
Sapagkat, Pepe, wari mo’y malaya na raw sila. Sa katotohana’y makikita mong napapasailalim pa rin sila ng impluwensiya at ideolohiyang Kanluranin. Marami silang gustong ipaglaban. Marami silang ipinaglalaban. Kahit sino nga ang mamuno, alam mo ba, tututulan nila. Natutulog pa rin ang bayan sa liwanag ng̃ buwan, Pepe.
Ano ba ang iyong tinutukoy?
Nagpapatuloy ang himagsikan at nagpapatuloy ang pakikibaka — sa panahong hindi kailangan. Sa kabilang banda naman, ay niyayapos nang pagkaigi-igi ang ideolohiyang Kanluranin — legalismo, ekstremismo, rasismo. Pilit nating ginagaya ang mentalidad na may mataas ng uri ng tao sa lipunan.
Nakatindig ang bandila, mukhang mapayapa, at makikita mo sa mga kalsada at sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao: may kalayaan na sa Pilipinas.
‘Yan ang sabi nila, Pepe. ‘Yan ang tingin nila. Sa aking gana ay nabubuhay ang mga tao sa huwad na kalayaan. Sa aking gana ay nabubuhay ang mga Pilipino sa kinopyang kaisipan. Sa aking gana’y nawala na ‘yung identity ng Pilipino. Anaki’y ang monja sa beaterio ng Santa Clara, hinalay, nilustay, pinawalang-puri hanggang malimot ang sarili — ang sawing palad!
Patuloy na mahihimlay sa kapanglawan ng gabi ang mga tinig at mga bisig na nakipaglaban para maiwagayway ang watawat na may araw at mga bituin.
This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!
Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com
[embed]Pluma Manila Creative Platform for Everything Filipinomedium.com
메타데이터
- post_id
- e88a98e92aef
- slug
- gising-na-ang-bayan-pepe-e88a98e92aef
- url
- https://medium.com/pluma-manila/gising-na-ang-bayan-pepe-e88a98e92aef
- canonical_url
- https://medium.com/pluma-manila/gising-na-ang-bayan-pepe-e88a98e92aef
- author_url
- https://medium.com/@othniel-lagablab
- status
- ok
- fetched_at
- 2026-07-28 23:49:14