← Back to list

KASAYSAYAN GABAY SA KASALUKUYAN.

HUNYO 12, 1898. Isinilang ang isang makasaysayang araw, kung kailan pormal na idineklara ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng…

Prince Lavares · 2025-07-06 16:19 · 0 claps · 1.2 min read
#kasaysayan
Open on Medium ↗

KASAYSAYAN GABAY SA KASALUKUYAN.

picture from Pinteres

picture from Pinteres

HUNYO 12, 1898. Isinilang ang isang makasaysayang araw, kung kailan pormal na idineklara ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya. Ang pangyayaring ito ay Simbolo ng Pagkakaisa at Pag-asa ng Isang Bansang Matagal nang Inaapi.

Si EMILIO AGUINALDO, ang kauna-unahang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Ang kahalagahan ng panahon niya ay hindi nasusukat lamang sa kanyang titulo bilang unang pangulo. Sa halip, ito’y nasusukat sa kanyang papel bilang lider ng isang kilusang makabayan na nangahas tumindig laban sa isang makapangyarihang dayuhan. Sa gitna ng kahirapan, takot, at panganib, Pinili niya na Ipaglaban ang Isang Bagay na ‘di Nabibili, kundi Ipinaglalaban.

KALAYAAN. Ang Proklamasyon ng Kalayaan, Ang pagkakatatag ng isang rebolusyonaryong pamahalaan, at Ang kanyang pamumuno sa Katipunan sa Cavite ay mga patunay ng matibay na hangarin ng mga Pilipino na maging malaya. Bagamat may mga kontrobersiyang bumabalot sa kanyang pamumuno, Hindi Maikakaila ang Ambag ni Aguinaldo sa Pag-usbong ng Diwang Makabansa.

PANAHON. Sa mga kabataan ngayon, na siyang pag-asa ng bayan, mahalagang alalahanin ang mga aral mula sa panahon ng ating mga bayani ang kahalagahan ng pagkakaisa, ang lakas ng isang pamayanang nagkakaisa sa layunin, at ang halaga ng paglilingkod sa bayan. Higit sa lahat, dapat tayong matutong Maging Mulat sa Kasaysayan Upang ‘di na Muli Maulit ang Panahong Puno ng Sakit at Sakripisyo.

KASALUKUYAN. Sa gitna ng mga problemang kinakaharap ng ating bayan ngayon tulad ng katiwalian sa gobyerno, kawalan ng hustisya, at kapabayaan ng pamahalaan, lalo nating kailangang balikan ang ating kasaysayan. Ang mga Kasaysayan ay ‘di Lamang bahagi ng Nakaraan, kundi Gabay sa kasalukuyan.


메타데이터
post_id
f04a293511ef
slug
k-f04a293511ef
url
https://medium.com/@lavaresprince3/k-f04a293511ef
canonical_url
https://medium.com/@lavaresprince3/k-f04a293511ef
author_url
https://medium.com/@lavaresprince3
status
ok
fetched_at
2026-07-11 11:50:14