← Back to list

Jackson Wang Live in Manila, pinadagundong ang Araneta

Photo from Jackson Wang’s X post

Angeles Kim Nina A. · 2025-11-23 13:34 · 0 claps · 0.9 min read
#kpop #got7 #journalism #entertainment #news
Open on Medium ↗
Wiki topics: LIT · Literature & Writing 📰 · Journalism & News 📺 · Media · General

Jackson Wang Live in Manila, pinadagundong ang Araneta

Photo from Jackson Wang’s X post

Photo from Jackson Wang’s X post

Matagumpay na naisagawa ang Manila stop ng GOT7 member na si Jackson Wang para sa kaniyang Magic Man 2 World Tour sa Araneta Coliseum noong Linggo, Nobyembre 2, 2025.

Binuksan ng singer-songwriter ang concert sa pamamagitan ng kaniyang kantang High-Alone kung saan lumabas itong naka-harness habang unti-unting bumababa sa entablado ng Big Dome.

Nagmistulang isang malaking party ang buong gabing pagtatanghal dahil sa walang kupas na energy ng mga Filo Ahgases at Jackys.

Kinanta rin ni Wang ang kaniyang mga hit na Hate to Love, Not for me, Made Me a Man, Blue, at Dopamine na mas lalo pang nagpainit sa buong venue.

Hindi rin napigilang magpakita ng pagkamangha ng K-pop idol sa energy ng kaniyang Philippine fans, “I have one thing to say, Manila is fcking crazy! This is insane bro!” aniya na lalong nagpaingay sa audience*.

Samantala, ilang araw bago ang kaniyang concert ay dumalo ito sa Shake, Rattle, and Ball Halloween party na ikinagulat naman ng mga fans matapos siyang makitang kasama ng aktres na si Anne Curtis.

Edited by: Sofia Magno and Jamille Ubalde


메타데이터
post_id
fda5481bad7e
slug
jackson-wang-live-in-manila-pinadagundong-ang-araneta-fda5481bad7e
url
https://medium.com/@angeleskim54/jackson-wang-live-in-manila-pinadagundong-ang-araneta-fda5481bad7e
canonical_url
https://medium.com/@angeleskim54/jackson-wang-live-in-manila-pinadagundong-ang-araneta-fda5481bad7e
author_url
https://medium.com/@angeleskim54
status
ok
fetched_at
2026-06-17 08:20:12