← Back to list

Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Jaywalking

Ayon sa isang artikulo ng TopGear, isa ang jaywalking sa mga simpleng batas-trapiko na madalas labagin ng mga kapwa nating Pinoy. Paano ba…

James Andrew · 2018-09-27 06:08 · 0 claps · 1.9 min read
#jaywalking #philippines #mmda
Open on Medium ↗

Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Jaywalking

Ayon sa isang artikulo ng TopGear, isa ang jaywalking sa mga simpleng batas-trapiko na madalas labagin ng mga kapwa nating Pinoy. Paano ba naman, mas convenient nga naman kasing tumawid sa mga ilegal na tawiran kaysa pumunta pa sa pagkalayo-layong pedestrian lanes o umakyat sa overpass, hindi ba? Ito ay lalo pa kung male-late ka na sa trabaho o sa eskuwelahan. Kung sa bagay, hindi mo naman kailangan ng Filipino attorneys sakaling mahuli ka sa una o pangalawang beses dahil hindi ka naman makukulong.

Nakasaad kasi sa Anti-Jaywalking Law na ang sinumang mahuhuling lumabag sa nasabing batas ay kailangan lang magmulta ng Php500.00 at off the hook na siya. Kung ayaw mo namang magbayad o wala kang kakayahan, may option ka ring maglinis na lang ng estero nang tatlong oras sa huling Biyernes ng buwan bilang community service.

Madali lang, hindi ba? Hindi na kailangan ng Filipino attorneys para makalusot ka. Kaya naman marami ang walang takot na lumalabag sa batas. Ngayong taon nga lamang ay nakapagtala na ng humigit kumulang 30,000 kaso ng jaywalking ang MMDA.

(Tatlong oras ng community service at cleared ka na. Source: mmda.gov.ph)

(Tatlong oras ng community service at cleared ka na. Source: mmda.gov.ph)

Ngunit bukod sa mga nasabing penalties, naisip mo ba ang peligrong kinakaharap mo sa tuwing nakikipagpatintero ka sa mga sasakyan sa gitna ng kalsada?

Dahil sa kaluwagan ng batas sa bansa tungkol sa jaywalking, maraming kaso rin ng aksidente ang naitatala taon-taon. Nito nga lamang buwan, isang babae ang nag-viral sa social media matapos masagasaan habang tumatawid sa EDSA. Biruin mo, wala pang sampung metro ang footbridge mula sa pinangyarihan ng aksidente. Kung naging disiplinado siguro s’ya at tiniyaga lang n’ya ang pagtawid sa footbridge, maiiwasan sana ang pagbangga sa kanya ng isang kotse.

Subalit sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Bukod kasi sa kawalang pangil ng batas, isa rin ang kawalan ng disiplina nating mga Pilipino sa dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng mga pedestrian na nasasangkot sa aksidente sa bansa. Mas pinipili kasi natin ang mas madaling paraan tulad ng pagtawid sa maling tawiran at pagbaba sa mga unloading zones kaysa sa ating sariling safety.

Tandaan mo: may dahilan kung bakit ginawa ang mga pedestrian lanes at footbridges. May dahilan kung bakit nagpapatupad ang gobyerno ng mga batas. Sa huli, kapakanan mo lang din naman ang dahilan kung bakit nag-e-exist ang mga ito. Sana sa susunod na tatawid ka sa mga ilegal na tawiran o bababa sa ilegal na babaan, isipin mo kung ano ang mas mahalaga sa ‘yo: convenience o ang kaligtasan mo?

— -

PS: Kung babalewalain mo lang ang nasabing penalties o paulit-ulit kang mahuhuling lumalabag sa anti-jaywalking law, baka kailangan mo nang maghanap ng Filipino attorneys dahil bukod sa peligrong sinusuong mo, subpoena na ang kakaharapin mo.


메타데이터
post_id
fe8a2a6d670f
slug
mga-dapat-mong-malaman-tungkol-sa-jaywalking-fe8a2a6d670f
url
https://medium.com/@andrewjames206/mga-dapat-mong-malaman-tungkol-sa-jaywalking-fe8a2a6d670f
canonical_url
https://medium.com/@andrewjames206/mga-dapat-mong-malaman-tungkol-sa-jaywalking-fe8a2a6d670f
author_url
https://medium.com/@andrewjames206
status
ok
fetched_at
2026-06-20 20:29:01