← Back to list

Nang Ika’y Namatay, Pumantay Ang Paa Ng Pasko

By: Harvey Padua (Spoken Poetry)

Harvey Padua · 2026-04-24 14:06 · 0 claps · 1.4 min read
#spoken-poetry #chrismas #pain #longing #miss
Open on Medium ↗
Wiki topics: ✍️ · Writing & Creative

Nang Ika’y Namatay, Pumantay Ang Paa Ng Pasko

By: Harvey Padua (Spoken Poetry)

Itong ginawa kong tula ay para sa mga taong umaasa, umaasang may babalikan pa

Ay mali! Umaasa sa paasa dahil sinabing “mahal kita,” kahit hindi naman talaga

Eto na, umaasang malalasap muli ang dating diwa ng Pasko

Naalala ko nung ako’y bata pa, ang makukulay na ilaw sa kalsada, palamuti sa loob at labas ng aming tahanan

Sa aming pamilya, hindi pwedeng mawala ang matamis na dudol sa lamesa, dahil ito ang paboritong pagkain ng aking Lola

At ang halu-halong putaheng pinagsasaluhan naming pamilya para sa Noche Buena

Paskong kay saya, kaliga-ligaya,

taglay ang pagmamahal ng bawat isa

Pinagmamasdan natin ang mga batang nangangaroling sa daan,

Mga bagong gamit na ating kinakagalakan

Maraming pagkain, maraming regalo,‘yan ang hinihintay ko

Darating si Santa, magbibigay ng regalo, ‘yan ang hinihintay ko

Pupunta kila ninong at ninang, ‘yan ang hinihintay ko

Ang mga hiling ko, ay tinutupad mo kapag ang mga magulang ko ay mapaglubid ng buhangin

Oh kay saya ng Pasko, taon-taon inaabangan ko…

‘Yan ay noong bata ako, dahil sa isang kisap-mata, nawala ang gana ko

Dati, pagsapit ng Pasko, masaya at buo tayong pamilya

Tinatanong ko sa aking isipan kung bakit kailangang ikaw pa?

Paano na ako, na nagiging bahag ang buntot pag wala ka?

At ano, ano na ang gagawin ko sa dagang nasa aking dibdib na hindi ko kayang alisin?

Iba rin ang simoy ng Pasko pag wala ka sa piling namin

Ang Pasko noon na ubod ng saya, ngayon ay kumukupas na

Dahil, Pamilya ko, ay ramdam ko, lubhang may dinaramdam

Pamilya ko, ay ramdam ko, nagdadamdam ng kasagutan

Pamilya ko, ay ramdam ko, tumatalas ang dila kapag hindi nagkakaunawaan

Oo, naiintindihan ko naman na hindi lahat ng nais ay makakamtan

Na hindi lahat ng hiling ay mapagbibigyan

Ang buhay ay hiling lang,

sa mundong ito tayo naninirahan lamang,

At ang bawat isa ay kailangang lumisan

Dahil nagampanan na ang kanilang kaganapan

Ngunit, Paulit-ulit na pumapabalik-bunga sa aking isipan na kung “Bakit nang ika’y namatay, pumantay ang paa ng Pasko?”

Bakit nang ika’y namatay, pumantay ang paa ng Pasko?

Bakit nang ika’y namatay, pumantay ang paa ng Pasko?

Bakit kailangan pang mamatay ng lahat ng tao?


메타데이터
post_id
ffdc56cc86a4
slug
nang-ikay-namatay-pumantay-ang-paa-ng-pasko-ffdc56cc86a4
url
https://medium.com/@harveypadua0/nang-ikay-namatay-pumantay-ang-paa-ng-pasko-ffdc56cc86a4
canonical_url
https://medium.com/@harveypadua0/nang-ikay-namatay-pumantay-ang-paa-ng-pasko-ffdc56cc86a4
author_url
https://medium.com/@harveypadua0
status
ok
fetched_at
2026-06-20 20:29:01